written by: kloeethegreat and beyabanana
Nakatingin ako sa malayo habang nagpipigil ng luhang nagbabadya.
Luhang gustong lumabas dahil sa kanyang ginawa.
Ipinikit ko ang aking mga mata.
Kasabay ng aking pagpikit ay ang pagsulpot ng tanong na kung bakit hindi sya naging akin kahit ano ang aking gawin.
Bumuhos ang aking mga luha.
Pinilit kong tahanin ang sarili ko ngunit kahit anong gawin ko hindi parin ito humihinto.
Siguro panahon na para ibaon ang ating masasayang ala-ala.
Masasayang ala-ala na kahit kailan, hindi na mauulit pa.
Siguro nga panahon na para tumigil sa pag titig sa iyong mga matang kahit kailan hindi ako nakikita.
Kailangan ko nang mamulat.
Mamulat sa katotohanang hindi pa ako sapat.
Kailangan ko ng idilat ang aking paningin.
Ang aking mga paningin na noon ay sayo lang palaging nakatingin.
Salamat sa pag iwan ng puso kong durog at wasak.
YOU ARE READING
Spoken Word Poetry
AdventureThis isn't fictious. Based on daily experience po ito hahahahahaha.