Noong Unang Panahon

37 0 0
                                    

written by: kloeethegreat

Noong unang panahon,
Sa hindi inaasahang pangyayari.
Nahulog ako sa isang tulad mo.
Sa isang tulad mong manloloko.
Akala ko talaga hindi ka na magseseryoso.
Pero nang maging tayo daig mo pa ang tatay ko.
Hindi ko inaasahang kaya mo palang mag bago.
Na kayang mong patunayan sa akin, na mahal mo ako.
Sa dinami dami nating pinagdaanan,
Pinili mo parin akong ipaglaban.
Kinaya mo ang lahat para lang ikaw ay maging sapat.
Maging sapat sa akin.
Ngunit kahit hindi mo pa'yon gawin, ikaw parin ang aking pipiliin.
Ikaw parin ang gusto kong makasamang sumumpa sa harap ni Bathala.
At sa harap ng mga madla.
Ikaw parin ang gusto kong makasama sa hirap at ginhawa.
Kaya sana, hindi ka mapagod sa kakaintindi sa akin.
Sana hindi ka mapagod na sabihan akong "Mahal, napakaganda mo." kahit sa tingin ko ako na 'yong pinakapangit sa buong mundo.

Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now