Tamang Panahon

11 0 0
                                    

written by: kloeethegreat

Tumingin ka sa aking mga mata,
Sabihin ang iyong nadarama.
Magtapat ka sa akin
Kung ako ba ay mahal mo rin.
Nais kong iyong banggitin,
Ang mga salitang "Mahal, pwede ka bang maging akin?"
Pero teka. Mukhang napakailusyonada ko na.
Nais kong itanong sa iyo,
Kung bakit hindi maaring magkaroon ng "Ikaw" at "Ako"?
Ngunit natatakot ako.
Natatakot ako na baka kapag sinagot mo ito, masasaktan ako ng husto.
Na baka masusugatan na naman ang aking puso.
Na baka iiyak lamang ako.
Kaya mas mabuti pang manahimik nalang ako.
Papatahimikin ko nalang ang puso kong walang ibang sinisigaw kundi ang pangalan mo.
Siguro dapat makuntento na ako
Sa kung anong meron tayo.
Baka hindi pa talaga tayo pwede ngayon.
Baka siguro pagdating pa ng tamang panahon.

Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now