written by: kloeethegreat
Araw ng mga patay.
Halika bisitahin natin ang puso mong patay na patay sa kanya.
Yung tipong napakalayo nya pa nga lang, nangangatog kana.
Yung tipong kapag kinakausap ka nya, nauutal ka nalang bigla.
Pero nang malaman mong wala ka palang pag-asa sa kanya, ibinaon mo ang inyong ala-ala.
"Bakit ba nasasaktan ako?!"
iyan ang palaging tinatanong mo.
Nasasaktan ka kasi umaasa ka.
Umaasa kang pwede kayong dalawa.
Tama na! Wag ka nang magpakatanga.
Itigil mo ang kahibangang ito
at magsimula ka ulit sa uno.
Umpisahan mo na ang pagbabago
at nang ika'y hindi na masaktan pa ng husto.
YOU ARE READING
Spoken Word Poetry
AdventureThis isn't fictious. Based on daily experience po ito hahahahahaha.