Wooooowwww I can't believe this! Paraiso! Paradise! Juicekolord Ano teh trinaslate mo lang. Ahaha. Yan ang masasabi ko sa lugar na to, nasan ba ako? Anong lugar to? Ang dame kong tanong sa sarili ko eh bakit di ka na lang magenjoy. Dame mo kuda aticu! Sa pagiikot ko dito sa park na to madami ako nadiscover, cherry blossom sa pinas? Totoo ba yun or nag-aadik lang ako? Uso pa naman ang tukhang ngayon! Myyghadd di keri ng ganda ko huh! Para akong nasa Nami island na may halong Japan theme na ewan. Jusko sana makita ko dito ang forever ko! Meron pang blue lagoon dito ay sarap magtampisaw! Eh kung kumaen na lang kaya ako? Yung mga monster ko sa tyan nagrarambulan na. Ano wala kang balak palamunin mga yan? Goodness!! Madami nadin ako nadaanan na food stall dito at mga filipino cuisine pa! San kapa! Yummers shhheeeymm! Gutom na gutom na talaga ako!
"Waah ate pabili po ng siomai, cheese stick, fries and strawberry shake. Thank you" sabi ko. Naglalaway at kumukulo na ang tyan ko parang kinakaen na ng alaga ko ang intestines ko. Please sandali na lang please lang! At ng matapos lutuin attack kung attack na! Ahaha patay gutom mode on! Ilan minuto lang ay natapos ko na ang kinakaen ko. Naglalakad lakad lang ulit ako para bumaba ang mga kinaen ko mahirap na baka magkabilbil tayo! Ahahaha.
Naupo na lang ako sa tabi ng puno ng cherry blossom, emote emote na epek! Sa ganda dito ayoko ng umalis pa. Ibang saya ang nararamdaman ko ngayon. Ang gaan lang walang problema, walang stress. Ang peaceful lang ng utak ko dito. Ito ang kelangan ko ngayon para narin ako nagso-soul searching sa ginagawa ko. Pinikit ko lang ang mata ko at dinama ang simoy ng hangin.
"Ang ganda talaga" ito lang ang aking nasabi pagmulat ko. "Oo maganda talaga" ohh my sino yun? Palingon lingon ako sa tabi ko ngunit wala naman tao dito, minumulto na ba ako? Ang aga naman magparamdam ng multo na yun, tanghaling tapat pa talaga huh! Huhuhu Ano wala ng pinipiling oras!
"Lord matapang ako pero sa multo di ko keri talaga!" dasal ko. "Para kang tanga alam mo ba yun?" ayan na naman may nagsalita na naman. Nashock na lang ako ng unti unti na naglaglagan ang mga cherry blossom sa taas ko. Out of curiosity napatingala ako at doon ko nakita ang boyfriend ko! Charoot ka. Ang forever ko pala! Mas lalong charot ka! Sampalin ng malupit! Ang amo ng mukha nya, yung matang nangungusap na angkinin ko siya. Yiieeeang landi ko don. Di ako naniniwala sa love at first sight pero ghaaadd iba siya ang ganda pa ng katawan ang muscle putok na putok. Ang beki hormones ko ay kusang nagwawala. "Ano titigan mo na lang ba ako? Baka mainlove kana nyan saken huh, alam ko gwapo ako, yummy pero di ikaw ang tipo ko! Ang plain mo!" sabi nya. Wow naman after ng mga compliment ko sa kanya yan pa napala ko! Ang gaspang ng ugali mo boy eh. Since suplada at nagmamaganda ako, inirapan ko na lang siya, 360 degree para masaya pak pak pak ganern. Art of dedma alert on! Ang sarap nya krompalin. Nanggigil ako sayo ehh. "Feelingero" bulong ko. Nasira na pagiinarte ko dito makalayas na nga lang. Pero nakakailang hakbang pa lang ako, tinatawag na nya ako.
YOU ARE READING
Ikaw ba?
RomanceMaraming katangungan na di mo masagot sagot. Mga pangyayari na inakala mo sa panaginip lang nangyayari? Totoo ba or imahinasyon lamang? Sino ka ba? Bakit ako? Ikaw ba? My name is Jean Salcedo, Batangas Philippines! At ito ang roller-coaster na k...