Tumayo si Zack at padabog na umalis ng room. Kahit member siya ng soccer team ay hindi siya pinalalaro sa tournament. Hindi dahil sa hindi siya magaling. In fact, siya nga ang pinakamagaling sa team. Hindi siya pinalalaro dahil masyado siyang hot-headed.
Marami pang game ang naganap at oras na ng botohan. Binigyan kami ng time para pag-isipan kung sino ang betrayer.
"Guys, alam niyo ayaw kong magblue quiz. Kaya please betrayer kung sino ka man, magpakilala ka na." tumingin kami kay Shantal Bellarmino na nagsalita. Kahit kami din Shantal, ayaw din naming magblue quiz.
"isulat niyo sa cross wise gamit ang marker kung sino ang betrayer na nasa isip niyo. Sabay-sabay niyo itaas kung sino ito. Ang unang maraming bumoto ang first betrayer at ang pangalawang maraming boto sa grupo niyo ang second." tumingin ako sa mga kagrupo kong tumitingin din kung sinong betrayer sa grupo. Pero, alam ko na talaga kung sino ang betrayer.
Isinulat ko ang sa tingin ko ay betrayer. Hindi ko alam kung nahalata din ng mga kaklase ko kung sino pero alam kong kaunti lang kaming boboto sa kanya. Kung hindi man ay ako lang.
"Itaas na ninyo." May nakita ako sa kagrupo ko na bumoto sa akin at nagpeace sign lang siya.
"Walang grupo ang makakakuha ng exemption sa blue quiz. Pero may dalawang taong tama ang sagot." Dalawang tao? It means may katulad ako na sagot. Tinignan ko ang room pero wala naman akong nakitang may kapareha. Maliban lang sa isang sagot na "myself".
"Ang purpose ng laro na ito ay hindi lang para matutunan niyo ng lubusan ang salitang betrayal kundi ay para matutunan niyo na wag basta-basta magtiwala. Maaaring magamit kayo ng mga salitang nakakapukaw at maaamong mukha pero gayonpaman ay sinasabi nga nilang "looks can be deceiving"."
"Huwag kayong papadala sa sinasabi ng iba. Don't just go with the flow. You must go for the flow." Anong pagkakaiba noon? Hmmm.
"By the way, ako ang betrayer kaya tama ka, Ms. Gomez. Ang isang betrayer ay ang inyong sarili kaya tama ka din, Mr. Jimenez. 2 pm, go see me mamaya sa office ko." umalis na si Ms. Santiago ng hindi man lang nagpapaalam sa amin.
Bumalik naman kami sa dating pwesto kaya katabi ko naman itong madaldal na 'to.
"Hmmm. Paano naman natin binetray yung sarili natin, eh tayo nga nabetray? Gigil ako ni Ma'am ah." giit ni Audrey.
Nabetray nga kami pero binetray din namin sarili namin. Kanina ko pa iniisip 'yan at hindi ko pa 'rin maisip-isip. Maybe I will earn their trust and at the end, I will be who I am. Ah!
Paano namin nabetray sarili namin? Simple lang. Pinagtiwala kami ng sarili namin na totoo ang mga sinasabi ni Miss pero in the end, niloko lang namin ang sarili namin. Magulo pero maiinitindihan din.
Hindi ko na sinabi kay Audrey yung opinion ko dahil dadagdag na naman ang daldal niyan.
"Tingnan mo, Saya. Ang cute ni Potchie. Bagay na bagay sa kanya ang ribbon na ginawa ko." Gumagawa nga rin pala ng mga damit at kung ano-anong accessories si Audrey. Marami ng nagawa niyan at pinabibili sa'kin, tutal mayaman naman daw ako. Pero hindi ko din talaga mabili-bili sa kadahilanang malayong-malayo ang taste niya sa taste ko. I'm into pants when she's into skirt. I'm into jaggers when she's into short shorts. I'm into jumpsuits when she's into dresses. I'm into sweatshirts and hoodies when she's into sleeveless and off shoulders. See? Malayong malayo talaga kami.
Lunchbreak na kaya pumunta kami sa cafeteria para umorder. Simple lang ang cafeteria dito sa Fresteid dahil may food court na available sa thrid floor. Naisipan lang naming kumain dito sa cafeteria dahil masyadong maraming studyante sa food court at hinihintay ko ang kapatid ko.
"Iyan na pala si sister mo." Nakapila kami ng sinabi niya yan.
"Audrey, ikaw na umorder sa'kin ah. Kausapin ko lang kapatid ko. Alam mo naman gusto ko, diba?"
"Oo, duh. Lagi ba naman iyon ang inoorder mo." inikot niya ang mata niya at pinagtabuyan ako.
"Shino, sabi ng landlady niyo gabi ka na umuwi kagabi. Saan ka galing?" may binulong siyang hindi ko naintindihan.
"Paki mo ba? Malaki na ako ate. Alam ko ginagawa ko." Ito ang mahirap kapag nagkaroon ka ng kapatid na mas bata pa sa'yo. Kailangan mong disiplinahin para lang mapabuti, pero sila pa ang galit.
Tinawag siya ng mga kaibigan niya at tinalikuran niya ako.
"Maguusap pa tayo mamaya." Ipapatransfer na kasi si Shino sa ibang bansa. Gusto kasi ni daddy na itransfer na siya doon dahil napapabarkada siya dito. Natututong magcutting.
Pumunta ako sa upuan namin ni Audrey. Kung may bagay na pagkakasunduan namin ni Audrey ay iyon ang pagkain. Mahilig kaming dalawa sa pagkain at kapag naman nagsleep-over kami sa bahay ng isa't-isa ay hindi dapat mawala ang pagkain.
"Anong balak ng kapatid mo?" tanong niya habang ngumunguya. Nagiging seryoso talaga siya kapag usapang pamilya.
"Ewan ko ba doon. Ayaw makinig. Siya na nga pinagsasabihan, galit pa. Naranasan ko na din kasi 'yon, Aud. Bakit hindi pa siya nadala doon." Alam lahat ni Audrey ang nangyari sa buhay ko mula noong grade 7 ako hanggang ngayong grade 11. Bestfriend ko na siya dati pa kaya hindi talaga maipagkakailang marami siyang nalalaman sa'kin.
"Hindi naman kasi sa lahat ng oras madadaan mo sa pakiusap ang isang tao. Alam mo minsan kailangan ding makatikim ng sampal yan."
"Ayoko rin naman kasing idaan 'yon sa dahas. Kung maaari ngang salita lang ayos na."
"Anong salita lang ayos na? Kita mo ngang hindi marunong makinig ang kapatid mo. Patikimin mo kasi ng reyalidad ng magising. Atsaka didisiplinahin mo nga eh. Kung iiyak edi paluin mo sa pwet. Wag nga lang nakahubo masakit 'yon." Minsan talaga walang kwentang mag-isip si Audrey pero kung iintindihin mo, may mapupulot ka din. Mapupulot na alikabok.
Nakita kong may papalapit na mga lalaki sa'min. Naaninag kong si Jacques and the company pala 'yon.
"Hi girls." Kindat ni Kayn. Gwapo naman siya pero hindi ako kinikilig. Kinikilabutan ako. Tinignan ko si Audrey na makikita mong hindi din kinikilig. Bestfriend nga talaga kami nito.
"Uh... free ba kayo this Saturday? Sayang naman kasi may dalawa kaming vip ticket para sa gig." nahihiyang sabi ni Jacques. Tinapik-tapik naman siya ni Paul sa balikat. Ayoko, tinatamad ako.
"Sor---"
"Sure! Of course! Oo naman! Diba, Saya?" pinandilatan ako ng mata ni Audrey kaya tumango nalang ako. Tinatamad akong makipagaway ngayon. Kasi tamad talaga ako.
Nagliwanag naman ang mukha ng lalaking kaharap ko at nginitian kaming dalawa ni Audrey... o ako lang?
"See you there."
Tinignan ko ng masama si Audrey at ngumiti lang siya sa'kin ng ngiting abot tenga. Cute cute niya talaga. Sarap niya isealed kasama ang mga marshmallow.
Haay. Panibagong lakad na naman. Tinatamad ako.
–30–
BINABASA MO ANG
Someone's Lying
Mystery / ThrillerO N G O I N G Masaya ang highschool lalo na kung may thrill. (c)notyourshai 2018