Kabanata 6

7 4 1
                                    

Saya's POV

This is the right time to cry but my tears won't fall. Kahit anong gawin ko ay hindi ko magawang maiyak. Gustong-gusto ng puso ko pero hindi nakikicooperate ang mga mata ko.

"You're shaking, Saya. Here." Inabot sa akin ang isang bote ng tubig. Hindi ko iyon pinansin dahil hindi ko makuhang abutin iyon. Nanlalambot ako. Kung hindi sana ako pumayag na pumunta sa Pub ay hindi mangyayari ito.

"This is all my fault." napahawak ako sa buhok kong gulo-gulo. I don't know what time is it. All I know is it's been three hours since the incident.

Kanina ay kinakausap ako ng mga pulis and I am not in my right mind. I didn't know how to open my mouth then so I remained silent. Heck, I didn't even know whay they're saying!

"It's not your fault, dear. Magigising din si Audrey. I know she's a strong woman." Tumingin ako kay tita Odette na kagagaling lang din sa iyak. Alam kong nasasaktan siya and she's pretending to be strong. Audrey is a good girl. I don't know why of all people, bakit siya pa ang pinagdiskitahan?

Tinignan ko ang pinto ng Emergency Room. We're currently outside and waiting for the results. Medyo kumalma na ako but I'm trembling inside. Paano kung maging negative ang result? Paano kung sumuko na siya? Those thoughts keep bugging my mind.

I remember Audrey saying back then that she wants to be a surgeon when we grow up. Natatawa nalang ako dahil hindi related sa pagiging surgeon ang kinuha niyang strand. She chose to stay with me kaya ABM din ang kinuha niya. Ngayon, siya na sinusurge ng surgeon.

Naalala ko nga palang two people are keep on saying na huwag kaming pumunta ng gig noong Sabado. Ngayon, hindi na nga kami makakapunta.

May tumawag kay tita Odette kaya nag-excuse siya at lumayo. I remember Audrey telling me na may pupuntahan kami bukas exclude the gig, of course. Kung hindi kaya siya na-ospital, saan kaya kami pupunta?

Bumalik na din si tita Odette and malalim ang iniisip niya. Bakit kaya?

"Bakit po tita?" I ask out of curiousity. Napabuntong-hininga siya at ngumiti sa akin. Nararamdaman ko ang mabigat niyang pasan-pasan.

"There will be a business meeting tomorrow and Audrey's sister will be coming back to Philippines." Siguro iyon dapat ang pupuntahan namin Audrey. I never met Aubrey, Audrey's twin sister in person. Nakikita ko siya sa mga picture nila. They really look alike. Malilito ka nga kung sino si Audrey at sino si Aubrey.

"Maybe I'm going to ask Owen to fetch Aubrey."

Kuya Owen is the eldest among the siblings. Hindi ko na rin siya madalas makita since nasa college siya. He was my crush back then same as to Audrey having a crush to my brother.

"Don't worry tita. I'm going to take care of Audrey." Ekstakto namang lumabas ang doktor mula sa E.R.

"Sino po dito ang pamilya ni Audrey Mendiola?" tita Odette raised her hand tsaka lumapit sa doktor.

"The patient's currently comatosed. We don't have any proof to show that she's going to wake so sudden..." May sinabi pa ang doctor pero hindi ko na maintindihan. Nanlalabo na ang mata ko.

Huli ko nalang narinig na may sumigaw ng pangalan ko.

*****

Nagising nalang akong may swerong naka-inject sa akin. Ang hirap gumalaw at nilalambot ako. Nakita ko sa gilid ko si mommy na naghihiwa ng prutas. Tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Gising ka na pala. Kumain ka muna. Kamusta pakiramdam mo?" Inalalayan niya akong umupo. Naalala ko na kung bakit ako nandito. Nahimatay ako at tada. Nandito na ako.

"Sabi ng doctor ay over fatigue daw kung bakit ka nahimatay. Buti nalang ay nasalo ka daw ng isang binatilyo. Umalis naman daw ang lalaki kaya hindi nila nakilala kung sino iyon." Akala ko ang sumalo sa akin ay si tita Odette. Pero sino kaya ang lalaking iyon?

"Alam... alam ba ito ni Daddy?" Ngumiti sa akin si Mommy at binigay ang mga prutas na nahiwa niya na. Hinaplos niya ang ulo ko at inipitan ang buhok ko.

"Ang haba na pala ng buhok mo, Saya. Kamusta na kayo ni Shino?" Iniiba niya ang usapan. Kumuha ako ng isang piraso ng mansanas na hiniwa ni mommy atsaka kinagatan iyon. Alam niyang simula noong Grade 9 palang ako ay hindi na kami ayos ni Shino.

"Ayos lang po kami." Pagsisinungaling ko. Ayoko rin naman silang madamay sa away naming magkapatid. Alam ko rin naman kasing magkakabati kami sa takdang panahon.

"Your dad and I decided to let Shino stay in Japan. Kaya pala pinapaayos ngayong Sabado sa akin ang mga forms ni Shino dahil hihimatayin ka." Natawa ako doon. That's really a big coincidence.

"Mamaya ay pupunta dito si Sora siya muna magbabantay sa'yo."

"I'm fine, mom. No need to worry about me." Namiss ko rin naman si kuya nonetheless, may pasok siya. He's a college student.

"He miss you so much daw kaya dadalaw siya. Tutal ay wala naman siyang pasok."

Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan ni mommy. Nalaman ko nalang din na hapon na ng dumating si kuya.

Mas lalo siyang pumogi at tumangkad. Kung gising lang siguro si Audrey ay puro pasa na ako ngayon sa kurot at hampas niya sa akin. Matagal na kasi niyang crush si kuya at nararamdaman naman daw niyang may crush din daw si kuya sa kanya.

Lumapit siya sa akin at niyakap niya ako. Ginantihan ko rin naman siya ng yakap pabalik. Siguro kung may makakita sa amin dito ay aakalaing magnobya kami. He's really sweet. Kahit kay Shino ay sweet siya.

"I miss you, princess." He kissed me in my forehead. He has really a sweet gesture sa mga babae. Kung ang tawag niya sa akin ay princess, ang tawag naman niya kay Shino ay bubwit. Sumulpot nalang daw kasi basta sa mundo. Bubwit's funny, tho.

"I miss you too, kuya."

"Parang dati lang ako ang naoospital, ah. Ngayon ikaw na." Sakitin kasi si kuya dati. Dumating pa nga siya sa puntong pinaghohome-school siya sa sobrang sakitin niya. Buti nga ay hindi na siya katulad noon.

"Kuya, can we visit Audrey?" Tumango siya. Nalaman na din naman niya ang nangyari kay Audrey since sinabi iyon ni mommy sa kanya. Tinukso ko nga siya kung anong reaksyon niya ng malamang nabaril si Audrey. He said, "okay". Naive, isn't he?

Nakita ko ang ilang mga kaklase kong nasa kwarto ni Audrey. Naalala kong naka hospital dress pa ako kaya nahiya naman ako. Pero mukha namang wala silang pakialam doon. Ang mga babae kasi ay nakatingin (nakatulala's the right term) sa lalaking katabi ko ngayon.

"Bibisitahin ka nga sana namin pero mukhang hindi na kailangan." Panimula ni Shantal na unang nakabawi sa pagkahulog.

"Guys, kuya ko nga pala." Nagbow naman si kuya sa kanilang lahat at nagpakilala. Pinaupo ako ng mga kaklase kong babae sa tabi nila kaya wala namang nagawa si kuya. Umupo siya sa mga lalaki.

"Ikaw Saya, ah. Hindi mo man lang sinabing may kuya ka palang gwapo." Sabi ni Ashilynn na nakatingin kay kuya. Nakita naman ni kuya iyon at nginitian siya. Kinilig naman ang bruha.

"Oo nga. Mukhang kpop idol eh." sabat naman nitong si Carla. Nginitian ko lang sila.

Mukha ngang nagkakamabutihan na ang mga lalaki kasi nagkwekwentuhan at nagtatawanan na sila.

Please, Audrey. Gumising ka na.

30

Shai: Another boring update.

Someone's LyingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon