Who's that boy?

14 1 3
                                    

"Yes! first day ng last year ko sa highschool!"

Sam, short for summer 4th year highschool student. Feel na feel na naglalakad sa hallway si Sam para sa ika nga niya first day ng last year nya sa high school. Aba nag re-reminisce na ang loka na akala mo last day nya na, nang tumunog ng malakas ang bell!

Boom late na sya sa flag ceromony, ganda talaga ng ating bida.

Patakbo na siyang bumaba ng hagdan na dala pa ang bag para sa flag ceremony, ilalapag niya sana ang gamit sa kanilang classroom kaso na-late sya dahil sa pagiinarte neto sa pag lalakad. Pag ka-baba nya eksaktong nakapila na ang lahat, naglalakad pa ito ng taas noo at isa isang nilalagpasan ang grade school hanggang ang 3rd year highschool sa pila. Pangiti ngiti pa ang loka, ng magsimula ng mag opening remarks ang principal ng eskwela patakbo na nyang pinuntahan ang kanilang pila na nasa pinaka huling row dahil nga 4th year na sila.

Find your height syempre dahil cute, isa sya sa maliliit, pero pangatlo naman. Nilagpasan nya ang bestfriend na si May sa pila na nasa dulo dahil matangkad ito, tinapik sya nito at ginantihan naman nya ng tawa

"Late ka nana-naman, last year na natin, ano na te walang improvement"

wika ni Shine; since elementary na kaklase ni Sam, since elementary na din sila magkasunod sa pila dahil parehas silang tumanda, pero hindi lumaki.

"Hindi ako late no 6:50 pa lang kaya nasa hallway nako, fineel ko lang ang lakad syempre last year na natin"

"Wow hanep naman sa 10 mins advance, galing galing talaga"

"Okay na yun kesa sa 10 mins late oh diba achievement"

Sabay tumawa ang dalawa, ng tignan sila ng isang teacher ng di maganda sabay din nila tinikom ang mga bibig.30 mins nilang tinapos ang flag ceremony bored na bored na sila lalo ang mga boys pero natitiis nila kasi bawas yun ng 30 mins sa klase, pwede na din Filipino pa naman ang first subject. Matapos ang ceremony pumila na ulit sila, para umakyat sa 2nd floor classroom naunang naglakad ang girls, tumakbo naman si Sam papunta sa pila ni May na nasa dulo kung kaya't nasulyapan nanaman ni Sam ang kanyang ultimate crush for years na si Isaac. May height din, cutie at matalino ang binata, ngumiti na parang kinukurot sa apdo si Sam.

"Hoy bawal bansot sa dulo, bumalik ka don"

Pang aasar na sabi ng boys kay Sam
Natawa naman si Isaac dito. At syempre kilig ang ate nyo sa pamatay na smile ni Bebe Isaac

"Wow ha ang lalaki nyong kumag kayo ha"

Sabay hawak sa balikat ng bestfriend na si May

"Namiss kita May!!"

"Usapan natin maaga tayo papasok para makapag chikahan diba, ewan ko sayo"

sagot ng bestfriend na si May

"Agawan kasi sa Bus kanina, wag ka na mag tampo! Anong oras ka ba dumating?"

"Usapan natin 6:30 ewan ko sayo"

"Hahaha early bird ka forever eh no"

Pagka dating sa pintuan ng classroom ilalapag na sana ni Sam ang bag nya ng hilahin sila ni Lira, kaklase din nila mula elementary.

"Hoy mga bakla cr muna tayo dali! Peram pulbo Sam"

Naglakad muli sila sa dulo ng hallway kung saan nandoon ang CR

"Kaloka to si Lira bilisan mo baka dumating na teacher natin bago pa naman"

wika ni Sam

"Yun din yung adviser natin diba? "

Unexpected LoveWhere stories live. Discover now