Oplan akin ka Isaac

5 0 0
                                    

Ilang buwan pa ang lumipas naging komportable na din ang mga estudyante sa isa't isa. At pilit pa din kinukuha ni Sam ang atensyon ni Sac

"Sac may assignment ba sa fili-?"

Bago pa man matapos ang tanong ni Sam

"Pre, na disconnect yung wifi kagabi haha"

Nakasingit na si Mark sa kanya

"Haha kaya pala sayang GG tuloy, bwisit ka hahaha"

Hindi na nakasingit si Sam, inis na inis na nakatingin ang dalaga at tumalikod nalang dahil hindi na ito natapos sa kwentuhan sa DOTA. Hindi naman maiwasan ni Sam na makinig sa usapan ng dalawa dahil na sa tabi lang niya si Sac at si Mark naman sa likod

"Pre, pwede ba mag palagay ng contact lense na hindi na natatanggal"

Tanong ni Mark kay Sac

"Lah, inosente kainis"

Bulong ni Sam

"Hindi pre, natatanggal talaga yun"

"Hala ganon akala ko meron hindi natatanggal para san ba yun pre?"

Di na napigil ni Sam sumingit

"Pag malabo mata ginagamit yun, o kaya pag nag papa cute lang ganon feeling amerikana blue eyes ganyan, ang inosente mo naman"

"Kinakausap ka ba namin Sam"

Pambabara ni Mark sabay tumawa ang dalawa

"Di ko kasi mapigilan makinig sa mga tanong mo"

"Sasagot ka pag tinawag ko na pangalan mo ha"

"hahaha"

Tumawa ulit ang dalawa

"Susunod kasi mag aral ka para may alam ka"

"HAHAHA chismosa ka kasi Sam"

Dagdag pa ni Isaac, sanay na si Sam na inaasar ng boys dahil na din siguro sa pagka boyish ng kilos nito, kaya naman hindi na siya napipikon kahit sino pa ang umasar sa kanya. Kahit pa si Sac dahil masaya siya pag napapansin ng binata

"Haha nakakatawa Sac, kala nyo ang cute nyo"

"Cute talaga ako, dati pa naman di ba Sam"

"Ako pogi ako hindi ako cute, di ba Sam?"

Sagot naman ni Mark

"Hala, kailan pa Mark?"

Simula noon lagi na nag aasaran ang dalawa, sina Mark at Sam

Patapos na ang first quarter, di mapigilan maisip ni Sam ang nararamdaman kay Isaac. Masaya na may halong lungkot si Sam dahil matatapos na din ang High School life at tuluyan na din silang mag kakahiwa-hiwalay magkaka-klase, mga kaklase nya na halos kasabayan nya na din lumaki.

Dagdag pa nito, hindi na rin nya makakasama si Isaac pagkatapos ng school year na ito, sad noh.

Abala si Sam at May maghanap ng libro para sa assignment sa Physics

"hoy Sam, kanina pa ko hanap ng hanap wala ka naman tinutulong"

"Iba kasi hinahanap ko char hahaha"

"Si Sac nanaman yan non?"

"Eh pano, parang nagkaka mabutihan na si Sac tska si Kate"

"Hay nako Sam sa tinagal tagal ng panahon, hindi ka pa din nakaka move on kay Sac?"

Unexpected LoveWhere stories live. Discover now