Seat Plan; Walang bawian peksman

10 0 0
                                    

Normal highschool life lang ang nagaganap, after 1 week nilabas na ni Mr. Custodio ang official seat plan. Sad ang mga lola nyo dahil mag hihiwalay na ang mga mag babarkada sadlyf,

"Tumayo ang lahat, pumunta sa likod at dalhin ang lahat ng gamit at bag"

Nagkakagulo at nagiingay na parang nabulabog na matsing ang mga estudyante, katapusan na ba ng mundo? Anong kaguluhan to! Ang tumatakbo sa utak ng lahat.

"Kumalma mga boys at girls, seat plan lang to"

Magkakahawak kamay ang magbabarkada sa likod, kala mo nag tatawag ng ma eevict sa PBB house ang tension. Nag umpisa na ang roll call, inuna nito ang last row.

Natawag na ang kaibigan na sina May at Lira pero naiwan pa din si Sam sa likod, malulungkot na sana siya ng makitang hindi pa tinatawag si Isaac. Wow may chance OMG happy na siya ulit isa pa, nakita nyang nasa kabilang row na nakaupo si Kate tuluyan na siyang nailayo kay Sac insert evil laugh ni Sam.

Hanggang nakarating sa last seat ng 2nd Row, right side na si Sir tinawag niya si Isaac Gustos,

Gumuho na ang mundo ni Sam huhubels hindi sila nagkatabi tinawag naman si Mark Gomez para sa 1st row sa tabi ng bintana, atska tinawag si Sam Castro, malungkot na siyang pumunta sa harap at umupo sabay silang naglakad ni Mark Gomez sa kanilang upuan magkatabi na silang umupo, ng biglang;

"Im sorry, I made a mistake"

Drum roll, mabilis na tibok ng puso parang sa Ms. Universe ng bawiin ni Pia ang korona. Pinatayo ni Sir Custodio si Gomez at Gustos.

Tud tud.. tud tud.. tibok ng puso ni Sam, at yes! Philippines parin ang nag uwi ng korona ay mali. Pinag palit sina Isaac at Mark nagkamali lang pala, wagi si Sam. Lakas manalangin ni ate girl, si Isaac na ang katabi nya.

"Hoy ito na yung seatplan ha peksman wala ng bawian"

Bulong ni Sam sa sarili, umupo si Sac sa tabi nya at bumulong

"Kilig ka naman"

"Hoy, hende nemen" joke hindi sya ganyan magsalita. Take 2

"Wow gwapong gwapo ah"

"Bakit hindi ba?"

"HINDI TALAGA!"

Halalalala, yung apdo nanaman ni Sam, patalikod ito umupo para di halatang pinipiga ang apdo nya sa kilig. Yes hindi na sya aabsent forevs.
Halos hindi naman na siya nakikinig sa klase, Florante at Laura ang tema ng Filipino ngayong school year. Iniimagine naman nya na magkaron ng play at sila ang magtambal ni Isaac para sa Florante at Laura.

Nagising lang sa katotohanan si Sam ng banggitin ni Mr. Custodio na magkakaron ng Theatre Club para sa school year na ito, siya din ang magiging founder kung kaya hinikayat nya ang lahat na mag audition. Dating Choir member si Sam at gusto naman nya para sa taon na ito na sumali sa Theatre Club dahil matagal niya na itong hobby ang mag inarte ay umarte pala.

Patapos na ang klase at hinihintay ni Sam na kunin ni Kate ang seat plan kay Sir Custodio dahil ito ang bilin ni Sir Joey

"Baklang to, di pa din kinukuha yung seat plan. Wala atang balak kunin letse na to ayaw pa atang ibigay nya yung seat plan kasi gusto nya katabi si Isaac nakakagigel"

bulong ng bulong na parang bubuyog si Sam sa sarili

*bell

Wala ata talagang balak si mahaderang Kate na kunin ang seat plan dahil nasa kaliwang parte sya ng classroom, malapit sa pintuan. Hindi niya siguro type ang kanyang pwesto kaya naman ang ate girl na si Sam naglakas loob ng tumayo at sundan si Sir Custodio palabas,

Unexpected LoveWhere stories live. Discover now