Takot at panghihinayang ang nangyari sa trabaho ko.
Muntik na akong mapahamak kung nagkataong doon ako sa bath house natulog.Maaring pati pala ako ay madamay sa kinahantungan ng mga kasama ko ngayon na nakakulong.
Sarado na ang bath house. Kinandado ito ng munisipyo dahil sa uri ng negosyo ni Sir Tim at sa mga nakuhang shabu doon.
Tanging suot ko lang at cellphone ang natira sa akin. Hindi ko na makukuha ang mga gamit ko.
Hindi ko na kayang bumalik doon at baka madamay pa ako,mahirap na.
Iba ang usaping droga sa mga ganitong kaso. Walang laban ang pagtanggi kung may nakuha sa iyong ebidensya.
Paano na ako ngayon?
"Dito ka muna sa akin. Tutal ako lang naman mag-isa. Hindi ka naman masamang tao para pag-isipan ko na kagaya ka rin ng boss mo."
Hiyang hiya na ako sa abalang nagawa ko kay Sir Jelo.
"Hahanap uli ako ng trabaho sir Jelo. Tutal marunong na naman akong magmassage kaya madali na siguro ako makakahanap ng mapapasukan."
"Hindi na,huwag na. Dito ka sa akin mamasukan. Dito ka lang,tumao ka lang sa condo ko. Paalis-alis ako ng bansa. Dito ka lang,susuwelduhan kita. Huwag ka na lang bumalik sa mga ganoong klase ng trabaho."
"Sir hindi naman sa nagmamalinis ako. Pero huwag nyo namang maliitin yung klase ng trabahong ganun."
"Hindi ko minamaliit ang nangyari sa iyo. Sorry kung mali ang pagkakaintidi mo. Ang sa akin,trabaho na itong inaalok ko sa iyo kesa humanap ka pa."
Naiisip ko,paano nga ba ako makakapagsimula?
Ang ilang mga papeles na gamit ko sa pagtatrabaho ay nasa bath house nga pala. Hindi na ako makalabalik doon at ayaw ko na.
"Mag-isa lang ako dito,walang kasama.paalis-alis din ako kaya pwede kang dito tumira. Babantayan mo lang ang unit ko. Huwag monh isiping kukunin kitang katulong. Kaibigan kita...dito ka na lang muna hangga't wala ka pang maayos na trabaho. Yung maayos,huwag na sa mga bar o massage parlor kung pwede."
Pumayag ako sa kagustuhan ni Jelo.
Kailangan kong magsimula ng bagong buhay.
Lalayo ako sa nakasanayang trabaho.
Muli kaming bumalik sa kaniyang condo.
Bagsak ang aking balikat dahil wala ja akong kabuhayang tutulong sa amin.
"Huwag ka ng mag-isip ng kung anu-ano. Blessing in disguise na rin ang nangyari,at least nalayo ka sa tukso."
Tahimik lang ako.
Baka nga blessing na rin iyon sa akin na malayo sa ganoong lugar.
"Sa ngayon, wala ang trabaho,wala kang uuwian. Pwede ka namang dito sa akin tumira."
Pumayag ako dahil sa alok ni Sir Jelo.
Wala naman talaga akong mauuwian.
Dahil sa walang-wala ako ay binili niya ako ng ilang personal gamit.
Kahit sabihin pa niyang bigay niya ito ay kailangan ko ring bayaran. Kung hindi man sa halaga ng pagkakabili ay sa ibang bagay na lang na kaya ko.
Alam ko namang hindi niya tatanggapin kung babayaran ko rin ang mga pinamili niya para sa akin.
Sa isang advertising company siya nagtatrabaho.
Laging busy at madalas wala sa kaniyang tinitirhan. Tatlong araw siyang wala sa condo kaya ako ang naiiwan mag-isa.
BINABASA MO ANG
IMPORTED KONG PAG-IBIG (BxB)
RomancePaano kung magising ka na lang isang umaga at may makitira sa inyong isang dayuhan ng ilang buwan. paano kung umibig ka sa kanya ng di mo namamalayan kahit alam mong milya milya ang layo at estado nyo sa buhay. Ipaglalaban mo ba ang pag-ibig mo kung...