Entry 017 STOW AWAY

2K 98 4
                                    

Excited ako sa tuwing uuwi si Jelo galing Singapore. Inaasikaso ko siya ng mainam dahil yun naman talaga ang kailangan kong gawin.

Alam kong pagod siya kung uuwi. Madalas siyang nagkukulong sa silid para matulog.
Gigising kung gutom,lalabas kung nababagot.

Yayain man niya ako para lumabas para maglibang ay tintanggihan ko.

Iba ang buhay ko sa kaniya. Magkaiba kami ng estado. Hindi ko siya kayang sabayan. Para sa akin masama ang laging libre. Kaya sa madaling araw ay hinihintay ko siya sa pag-uwi.

Isang gabing muwi siyang lasing ng pagbuksan ko ng pinto.

May kasama siya.

Kapwa sila lango sa alak.

Sa silid sila dumiretso at ako ay sa sofa nakapwesto.

Hindi kami nagtatabi mula ng dito ako napatira. Sa sala ako natutulog.

Ewan ko ngunit nakakadama ako ng inis ng isara nila ang pinto.

Hindi ako magseselos kundi naiinis lang ako.

Sino ang kasama ni Jelo?

Hindi ko maintindihan dahil magkaibigan nga lang kami di ba?

Pero ang may isama siyang lalake ang hindi ko matanggap.

Naiinis ako dahil sa karakas pa lang ng isinama niya ay mukhang gagamitin lang siya.

Gagamitin sa pasarap ng katawan o gagamitin sa pasarap sa buhay.

Kung anu-ano na ang pumasok sa utak ko.

"Peperahan lang niya si Jelo."

"Sex lang ang hanap nun."

Mga ganoong bagay.

Paano kung dito na rin manatili ang lalaking yun?

Paano ako?

Isang hamak lang ako na pinatira niya dito at hamak na pwede niyang paalisin kung gugustuhin.

Nakadagdag pa sa kabigatan ng loob ko ang ingay nila sa loob ng silid.

Maingay pa ang bisita niya sa kanilang ginagawa kasabay ng langitngit ng kama.

Nasasaktan ako...

Nagseselos ako?

O dahil ang kasama niya ay pansamatalang aliw lang?

Humanap siya ng taong mabibigay sa kaniya ng panandaliang aliw dahil hindi ko kayang ibigay iyon sa kaniya.

Kasalan ko nga siguro kaya siya may kasamang iba...

May pangangailangan din si Jelo.

Pangangailangan na tinanggihan ko.

At yun ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito.

Sa iba niya hinanap...

Sa lalaking iyon...

Nauna akong nagising.

Naghanda ako ng makakain.

Naunang gumising si Jelo sa kaniyang silid.

Wala kaming imikan.

Patuloy lang ako sa aking ginagawa.

Naupo siya sa harap ng mesa.

Lumabas rin ang lalake sa kaniyang silid na naka brief lang.

Magkaharap silang dalawang umupo habang isa isa kong nilalapag ang aking niluto.

IMPORTED KONG PAG-IBIG (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon