Entry 008 COLDNESS

2.3K 88 1
                                    

Ang bigat ng pakiramdam ko sa tuwing susulyapan ko si inay.
Parang nakahubad ako at nahihiyang magtama ang aming mga mata.

Bumabalik sa aking alala ang nangyari kahapon sa ginagawa sa namin ni Mike. Nakakahiya naman talaga ang mahuli kami sa ganoong posisyong sarap na sarap pagpapaligaya sa akin.

Di ko masisisi si inay dahil hindi niya naiintindihan ang mga nararamdan ko.

Ang bigat talaga dahil ni hindi niya ako kinakausap. Ang katahimikan niya ay nakakahawa dahil talagang ipararamdam niya na nagbigay ako ng sama loob sa kaniya. Maging ako'y natahimik at nawalan ng imik. Nalulungkot ako sa ginagawa ni inay na di pagpansin sa akin.

Tahimik din si Mike dahil dumistansiya ako sa kaniya.
Umiiwas sa dati naming ginagawa. Ang samahan siya at kausapin ay di ko na muna pinagpatuloy.

Malungkot ako dahil labag sa aking kalooban na iwasan siya para di na rin magalit si inay. Kahit paano ay mababawasan ang kaniyang galit sa amin. Kasabay naman noon na nababawasan naman ang panahon namin sa isat-isa ni Mike.

Kahit banyaga ay naiintindihan niya ang sitwasyon namin. Inabala ko ang aking sarili sa mga dati kong gawain na hindi siya katabi o kausap. Hinayaan ko lang din siyang gawin ang kaniyang trabaho sa paggagawa ng kaniyang blog. Maliit ang isla pero napakalayo namin ngayon. Tanging sulyapan lang kami at panakaw pa kung magtama ang mga mata.

Nakakapanibago dahil tahimik kaming dalawa. Tanging si tatay lang ang nakakausap ni Mike at ako ay di gaanong umiimik. Natatakot ako sa matabang na pakikisama ni inay kaya tinitiis ko na lang.

Mahirap na kung malaman pa ni itay ang nangyari dahil paniguradong papanig din siya sa inay.

Sa gawain sa villa,pangangawil ng isda,pagtatanim at pagtatabas ng damo inabala ko ang kalungkutan na di kami pwede magdikit ni Mike.

Ang hirap ng ganito...

Kahit sa hapunan ay wala akong imik na nakain. Nasagot lang ako kung tatanungin.

Opo,hindi po, o tango lang ang sagot sa mga habilin ni itay para sa mga inuutos niyang gawain para bukas.

Sa pagtulog naman ay nakabukas pa rin ang pinto namin. Nararamdaman ko na sinisilip kami ni inay dahil sa kaluskos ng kaniyang tsinelas.
Wala na talaga ata kaming pag-asa ni Mike.

Ang sakit pala ng ganitong nilalabanan ang kagustuhan mong magmahal.
Ilang talampakan lang ang namamagitan sa amin ni Mike ngunit parang napakalayo ko sa kaniya.
Hindi ako makatulog dahil sa bigat ng nararamdaman ko.

Sinilip ko si Mike sa kaniyang higaan. Nakatagilid siyang nakaharap sa akin. Aninang ko sa dilim ang kaniyang katawan dahil sa liwanag mula sa hasag na nasa kusina.

Nakita kong gumalaw siya.
Gising pa rin pala siyang kagaya ko.
Inilhad niya ang kaniyang kamay.
Inabot ko iyon at nagtagpo ang aming mga palad. Hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit. Sa maghapong iniiwasan ko siya, ngayon ko lang muli naramdamang kasama ko siya.

Naradaman ko ang labi niyang humalik sa aking kamay. Matagal,madiin at sabik.
Tumulo ang aking luha dahil sabik din ako ipadama ang nararamdaman ko sa kaniya.

Dahandahan din ako sa aking pagkilos na huwag makagawa ng anumang ingay. Inilapit ko rin ang aking sarili sa aming paghahawakan at humalik din sa kaniyang kamay. Naramdaman niya ang aking pagluha dahil pumatak ito sa kaniyang kamay.

Hinahanap ko siya...

Kinasabikan...

Mahal ko si Mike ngunit wala akong kalayaan magmahal sa kapwa lalake.
Wala akong minahal noon at ngayon lang ako nakadama ng ganitong uri ng pagmamahal.

Naiiyak ako dahil hindi ko kayang ipaglaban si Mike. Talo ako dahil mahal ko rin ang mga magulang ko at ayaw ko silang bigyan ng sama ng loob. Ang hirap ng ganito.
Ang sakit ng laban ng buhay pag-ibig ko.

Ayaw ko man ngunit bumitiw ako sa paghawak sa kaniyang kamay. Isang araw palang na natiis ko siya ngunit sa paggising ko ay di ko na alam kung kakayanin ko pa. Kulang ang gawain sa isla para di ko siya maiisip. Ilang araw na lang ba ang nalalabing pagtigil niya dito at babalik na siya ng amerika at iiwan na niya ako.

Di ko na alam kung babalikan pa niya ako dahil sa ganitong sitwasyon. Aalisin ko na ba ang pag-asang magtagal pa kami.
Muli ko siyang sinilip at paharap pa rin siyang nakapwesto sa akin.

"Mahal na mahal kita Mike."

Gusto kong sabihin ito sa kaniya ngunit sa isip ko lang kayang gawin.
Bago man lang kami magkalayo ay kailangan ko siyang nais kong malaman ang mga plano niya.

Ayaw kong isipin na laro lang ito sa amin o tawag ng pangngailangan na magparaos.

Hindi iyon ang nararamdaman at gusto ko, kundi mahal ko talaga si Mike.

Mahal na mahal...

Mababaliw na ata ako kung matatapos lang ang lahat ng ganito kabilis. Kailangan kong gumawa ng paraan kung ano ang dapat naming gawin ni Mike...

*****

Next entry may trahedya na susubok kay Renchie at Michael.








IMPORTED KONG PAG-IBIG (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon