Forever? Tch. Salita lang yun. Mabuti pa ang expiration date mas tumatagal pa sa forever mong sinasabi.
Ako nga pala si Lourence Legaspi, 14 years old. Isa akong 3rd year high sa pasukan. Simple lang ang buhay ko. Tatlo kaming magkakapatid kaso sa kasamaang palad. Namatay ang panganay namen at bunso pagka panganak palang nila. Hindi sinabi saken ng magulang ko hanggang naging 12 years old nako.
Pero anyway. Naooff topic tayo. Ano paba gusto niyo malaman? Yung sa sinasabi nilang "FOREVER"? Ah sige. Simulan naten yan.
Isa akong normal na 2nd year student dati. Well. Sige hindi normal. "Medyo" Makulit, Maliit. OO MALIIT MAY PROBLEMA KA SA TANGKAD KO?! Hinde joke. Oo maliit. At di ganun katalino pero improving naman. So saan dyan yung 'FOREVER"? Maghintay ka nga! Pupunta rin tayo dun. Wag atat kay?
Naging masaya ang buhay ko nung 2nd year high ako. Nagkaroon ako ng bagong mga kaibigan or sabihin nalang naten na nakilala kolang sila at naging close. At may naging ka close na talaga ulet ako. So ganto.
May naging kaklase ako nung grade 2 at hindi kame nagkahiwalay hanggang dumating kame ng 1st year high. Pero hindi naging hadlang yun para magkahiwalay kame. Bestfriends forever eh. At yun na nag 2nd year na kame hindi paren kame magkaklase. At dumating na yung puntong hindi nako mahiyain at nagsimula nako manligaw sa kaklase ko. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon yung "BESTFRIEND" Umamin din saken. Ang hindi nya alam. May gusto nako sakanya magsimula grade 2 palang kame.
Dun na ako nagkanda lito lito. Hindi ko alam pipiliin ko. Pero sa huli ang pinili ko ay ang "BESTFRIEND" ko, dahil alam ko magtatagal kame. Pero dumating na sa puntong 1 month lang ang tinagal namen dahil nagkagusto sya sa iba. Naghiwalay kame. Pero nakipag balikan din siya saken ng ilang linggo. At binigyan ko siya ng 2nd chance. Kala ko magtatagal na talaga kame. Kaso nagkamali ulit ako. Hindi kona alam ang irereact ko. Pero bakit ganun. Hindi na masakit. I mean hindi sa naging manhid ako. Andun parin yung sakit kaso hindi ko na maramdaman yung sobra sobrang sakit na naramdaman ko dati.
Ang dating sinasabi naming "MAGTATAGAL TAYO 'FOREVER' PROMISE" ay pinatunayan nyang isang malaking kasinungalingan lang. Kaya siguro ang "PRINCESS" ko ay nakikipag HIDE AND SEEK pa saken. Kailangan kolang maghanap mabuti kada sulok ng pwedeng pagtaguan hahanapin ko siya. Kahit.. Abutin pako ng dalawangput libong taon. Hintayin moko. Hahanapin din kita. Hindi ako susuko mahanap lang kita at pagnahanap na kita. Asahan mong hinding hindi kita papakawalan.
P.S ALL NAMES INCLUDED IN THIS STORY IS PURELY COINCIDENTAL. IF NAMES ARE IDENTICAL TO LIVING/DEAD PEOPLE. I REPEAT IT IS ONLY COINCIDENTAL.

BINABASA MO ANG
FOREVER
Ficção AdolescenteForever? Isang salita lang yun diba? Pero tingin mo. May "FOREVER" paba, na hindi lang basta salita? Tignan nalang naten.