Prologue

3.5K 60 2
                                    

WARNING: THIS IS NOT EDITED YET..SO EXPECT THE TYPO..BUT I WILL EDIT IT SOON

"ARGGGHH" malakas na sigaw ng isang binata na mabilis na nagmamaneho.
14 taong gulang palang ito, pero marunong ng mag maneho, dahil talagang pinag aralan niya iyon dahil alam niyang mangyayari ang araw na ito.

"Kuya. Malapit na sila, I don't want to come with them, I'm scared" umiiyak na wika naman ng isang batang babae na nasa edad 12.

*BANG BANG*

"KYAHHHH" at napatili ng malakas ang batang babae dahil sa narinig nitong putok ng baril.

Hinahabol sila ngayon ng mga lalaking nais makuha ang batang babae dahil sa kayamanan na taglay nito.
Wala na silang mga magulang, naunang namatay ang kanilang ama, at nag asawa muli ang kaniyang ina, pero namatay din ito at sa kanilang magkapatid ipinamana ang lahat ng kayamanan, kaya nang nalaman ng bagong asawang lalaki at ng anak nito na walang napuntang yaman sa kanila, ipinahuli nila ang magkapatid.
Pero dahil mas marami ang mapupunta sa batang babae, siya ang puntirya ng mga ito.

Pag-iyak lang ang maririnig at nakakabinging putukan.

"Kuya. I'm scared" at pilit niyang pinipigilan ang pag iyak niya.
Pero sa tuwing may bumabaril, hindi niya mapigilan ang umiyak.

Samantalang tahimik lang ang kapatid niyang lalaki dahil ayaw niyang ipakita sa kapatid na natatakot siya.

"Guys? Guys? I need your help. Please, puntahan nyo kami dito, nanganganib ang kapatid ko, pakiusap, kayo na bahala sa kaniya, sunduin nyo siya rito" umiiyak na pakiusap ng binata sa mga kaibigan niya.

Umiiyak lang ang kapatid niya at hindi narinig ang pinag uusapan ng kapatid niya.
Napangiti ng mapait ang binata habang nakatingin sa kapatid niyang umiiyak pa rin.

Nang maramdamang wala nang sumusunod, inihinto ng binata ang kotse upang kausapin ang kapatid.

"Arthemis" tawag nito sa kapatid.
Natawa ang binata habang pinapanood ang pagkusot ng kapatid sa mga mata nito.

"Kuya. Safe naba tayo? Wala naba sila?" Humihikbing tanong ni Arthemis.

"Arthemis makinig ka kay kuya. Dito kalang ok? Hintayin mo ang mga kaibigan ko ililigtas ka nila" umiiyak na ang binata habang sinasabi ito.

"Kuya. Ano? Saan ka pupunta, iiiwan mo ba ako? Where are you going?" At napaiyak narin ang batang babae.

"Shhh. Kuya will never ever leave you. I'm always here my princess. But I need to sacrifice my self to save you. I love you" at hinalikan ang kapatid sa noo habang hinahaplos ang buhok.

Hindi man maintindihan ng batang babae ang sinasabi nito, alam niyang may hindi ito magandang balak.

*BANG*

At isang tunog ng baril na naman ang narinig nila.

"Dito kalang? Huwag kang aalis. Babalik ako, pangako, kapag makaligtas ako, babalik ako. I love you bunso I love you"

"Kuya wag. Don't leave me here, I need you, please stay.No!!"  pinilit na niyayakap ng batang babae ang kapatid, ngunit hindi nagtagal may isang batang lalaki ang dumating, naka edad lang ng batang babae.

"Ikaw ng bahala sa kapatid ko. Kayo na ang bahala sa kaniya" lumuluhang wika ng binata habang pilit na nagpapakatatag.

"Anong gagawin mo?" Tanong ng batang lalaki.

"Sacrifice. To save my sister" at muling tiningnan ang kapatid na hawak ng batang lalaki.
Umiiling iling ito at pilit na hinihiling na wag ituloy ng kapatid ang balak nito.

Niyakap ng binata ang kapatid, at hindi napigilan ang pag agos ng mga luha.

*BANNGG*

Dahil sa malakas na tunog, agad na humiwalay ang batang lalaki sa kapatid.

"No! No! Kuya dont leave me here" umiiyak na sigaw nito habang pilit na kumakawala sa bisig ng batang lalaki.

"Shh. Don't shout, they will hear you" bulong nito.

Hindi na lumingon pa ang binata at pumasok na sa kotse.

Pero bago tuluyang umalis, he mouthed ' I LOVE YOU' to his sister.

At mabilis na pinaandar ang sasakyan hanggang mahulog ito sa napakalalim na bangin.

"Kuuuyyyyaaaa" malakas na sigaw ng batang babae.

At dali daling tumakbo sa lugar kung saan nahulog ang kapatid niya.
Hinabol naman siya ng batang lalaki.

At tila tumigil ang mundo niya ng makitang unti unting nilamon ng apoy ang sasakyan ng kapatid niyang nahulog sa bangin.

At dahil hindi na niya alam ang gagawin, dali dali siyang tumakbo. Tumakbo ng tumakbo na hindi alam kung saan pupunta.

"Arthemis! Wait!" Patuloy na tawag ng batang lalaki.

Pero patuloy lang sa pagtakbo ito, hindi na umiiyak, walang bakas na emosyon ang mukha, at tila nawalan na ng ganang mabuhay.

Nagulat at napahinto ang batang lalaki, nang makitang huminto ang batang babae at sinalubong ang paparating na napakalaking truck.

Gustuhin man niyang iligtas ang batang babae, masyado siyang malayo mula dito.

Kaya ang nakita nalang niya, ay ang duguan katawan nito na tumalsik sa tabi ng kalsada.

Vote/Comment

One of the BOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon