Chapter 23

913 24 0
                                    

Arthemis Pov

*FRIDAY*

This is it pansit. Foundation day na.

"Oiyy. Anong kanta ang hinanda mo?" Napatigil ako sa paglalakad at napataas ang kilay na hinarap ang kapatid ko.

Naglalakad na kami papuntang kotse niya.

"Huh? Bakit naman ako maghahanda? Hindi naman ako kakanta eh, duhh" sabay irap.

"Awttss" daing ko ng pinitik niya ang matangos kong ilong.

"Silly girl. I told you to prepare" at iiling iling siyang pumasok sa kotse niya.

Napairap nalang muli ako. Bakit naman ako maghahanda, eh hindi naman ako kakanta?

Habang nasa biyahe, inaasar lang niya ako ng inaasar. At hindi naman traffic dito kaya nakarating din kami ng maaga sa school.

Pero na weirduhan ako kay kuya. Pagkababa kasi namin ng kotse niya, tingin siya ng tingin sa paligid. Parang natatakot at kinakabahan siya na ewan?

"Oiyy. Anyare sayo? Ok kalang?" Nagulat pa ata siya sa pagsalita ko.

Pero agad din naman siyang ngumiti at umakbay sa akin.

"Natatae lang ako haha. Sige na, mauna kana, may kakausapin pa ako" sinapak ko siya. Kadiri kasi eh.

"Eww. Kadiri ka kuya, arghh" at padabog na iniwan siya doon.

Pagkapasok ko mismo ng gate, maririnig mo ang napakalakas na musika.

9:00 am palang ngayon, pero talagang sobrang dami na ng tao, at yong iba, from other school pa.

At napangiti talaga ako dahil ang booth namin ang siyang madaming tao.

Yong iba nasa labas na nga kumakain.
Pero kinabahan ako. Hindi ko alam kung dahil ba sa kakanta ang UFame mamaya? Wala namang nakakakaba? Or dahil may iba pang mangyayari?

Natatakot ako.

Pagkarating ko sa tapat ng booth namin, pumasok agad ako sa loob, ang sikip pa nga kasi maraming tao, buti nalang naka aircon dito.

"Ate Arth" napatingin ako kay Trisha ng tawagin niya ako.

Naglakad na ako papalapit sa counter. Tumulong nalang ako sa pag prepare ng mga menu at pag asikaso sa pera.

"Ang dami pong tao, kaya yong iba nasa labas nalang" kuwento niya habang nag aayos ng mga order.

"Yeah. Pansin ko nga hahaha" at natawa ako.
Pero yong kakaibang pakiramdam na may mga nagmamasid sa iyo? Hindi ako komportable.

Nasaan naba kasi si Kuya?

"Mamaya pong 12:00 mag sasara po muna tayo para mag break" tumango ako kay Trisha.

Wala akong nakitang UFame dito. Im sure todo practice sila ngayon.
Mamaya na ang performance nila, and Im sure, iyon ang dahilan kong bakit madaming taga ibang school dito.

And also, ang mga stockholders ng University nandito din. Kaya hindi talaga pedeng pumalpak.
Sila kasi ang main source ng school kapag Foundation Day para sa Foundation Day Night.

Mabilis tumakbo ang oras pero nagtataka parin ako, kasi wala pa si kuya.

********
"Grabi, napagod ako" wika ng isa naming classmate.

Nandito kami ngayon nakapalibot sa isang table. 12:00 na kaya break muna.
Pagod na pagod ang lahat. Ako nga kahit nakatayo lang napagod eh.

"Bawing bawi na ang pondo natin ate Arth. At the same time, malaki na ang sobra" napangiti ako sa sinabi ni Jay.

One of the BOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon