Chapter 25

898 26 0
                                    

Arthemis Pov

"PAGBABAYARAN MO ITO ARTH" malakas na sigaw niya papalapit sa akin.

Kaya napaatras ako, susugudin sana niya ako ng sampal pero napigilan siya ni Zeke.

"What are you doing Kate?" Mariin na tanong ni Zeke.

Agad namang nagpaawa awa ang mukha niya.

"Zeke, Dwayne, Nate..nakikita niyo ba ako? Ang itsura ko? Si Arth ang may gawa nito, kaya hindi ako nakapunta" napakunot noo ako.

"Huh? Kate, stop blaming me, wala akong alam sa sinasabi mo" depensa ko, totoo naman eh.
Napatingin ako sa pwesto ni kuya, pero wala siya doon.
Asan na siya?

"Maniwala kayo sa akin. Totoo ang sinasabi ko, kinulong nila ako sa stockroom, at narinig kong pinag uusapan nilang si Arth ang nag utos. Ginawa niya yon para hindi ako makapunta, para siya ang kumanta" sinabi niya yan sa nagmamakaawang tono.

"Is that true Arth? Ginawa mo iyon?" Napailing iling ako sa tinanong ni Dwayne.

"Ofcourse not, bakit ko naman gagawin yon? Maniwala kayo sa akin, hindi ko yon ginawa" shocks..naiiyak ako.

"Anong hindi? Ikaw ang may kasalanan nito, alam mo bang noon pa ako nag titimpi sa iyo? Inagaw mo na sa akin ang lahat noon, pati ba naman ngayon aagawin mo parin? Anong klasing tao ka?" Hindi ko maintindihan ang pinagsasabi niya.

"Stop it. Arth, bakit mo naman ginawa iyon? Kung sana noon pa sinabi mo sa amin na may talent ka sa pagkanta, hindi na kami humanap ng iba" nainis ako sa sinabi ni Zeke.

Kanina lang ok kami ah? Ahh, naalala ko na, substitute nga lang pala ako.
Ang sakit diba?

"Substitute kalang kanina----"

*PAAKKK*

Hindi ko na pinatapos si Zeke sa sasabihin niya. At agad kong pinadapo ang palad ko sa pisngi niya.

Napasinghap ang mga nandito, at para bang nanonood sila ng isang drama.

"Kasalanan ko? Ako na nga ang tumulong diba? Ako pa ang masama?" Pinahid ko ang luha ko, hindi ko mapigilang maiyak.

Whats happening? Bakit nagkaganito? Akala ko kanina ok na kami, pero hindi pa pala.

"Lagi naman ako *huk* ang mali diba? *huk* mula nang dumating si Kate *huk* ako na lagi ang mali. Dati tinulak ko siya, OO INAAMIN KO TINULAK KO SIYA. PERO PINAKINGGAN NIYO BA AKO HUH? HINDI..HINDI NIYO AKO PINAKINGGAN, KASI SIYA ANG PINANIWALAAN NIYO. HINDI NIYO AKO HINAYAANG MAGPALIWANAG KONG BAKIT KO IYON NAGAWA. AT NOONG NAHULI NIYO KAMING NAGSAMBUNUTAN, AKO NA NAMAN ANG MALI DIBA?" hindi ko na napigilang ilabas ang sama ng loob ko.

Seryoso lang silang nakatingin sa akin.

"Pero--pero kahit kailan, hindi ako nagtanim ng sama ng loob sa inyo. Pero , pero ako parin ang masama sa paningin niyo" napahagulhol na ako.

*clapp clapp clapp*

Napatingin kami sa pumalakpak, at nabuhayan ako ng loob ng dumating si kuya, at seryoso niyang tinitigan ang apat.

"Its time to get my sister back"
Nakita ko ang pagkagulat nang apat dahil sa sinabi niya.

"What? Sister?" Hindi makapaniwalang tanong ni Dwayne.

Seryosong tinanggal ni Kuya anh eyeglasses niya at inayos ang buhok.
At ngayon, makikilala mo na talaga na siya si Luke.
Hindi nila siya nakilala dati kasi lagi nga siyang naka eyeglasses.

"Lu-luke?"

"Buhay ka?"

Napangisi si kuya sa sinabi nila.

One of the BOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon