Chapter 19

835 27 0
                                    

Arthemis Pov

Nandito kami ngayon ni Shawn sa may tabing dagat ng UPG gabi na pero napakaganda parin. Mapapansin mo ang nag gagandahang mga ilaw dito, at mas marami ang tao kapag gabi, ang ganda sobra.

Tahimik lang kaming naka upo dito  dating gawi, nakasandal ako sa balikat niya.
At katahimikan ang nananaig sa pagitan naming dalawa.

"Sha-Shawn, may mga itatanong ako" panimula ko pero hindi parin inaalis ang pagkasandal ko sa kaniya.

"I know marami kang gustong malaman" at nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga.

"Shawn, sabihin mo na yong ipinangako mong sasabihin mo sa akin" lumayo ako sa pagkasadandal sa kaniya kaya napatingin siya sa akin.

He just smiled..

"Shawn, ka-kapatid ba kita? Magkapatid ba tayo? Ikaw ba si Luke?" Nakatitig ako sa mga mata niya.

Pero makikita ang pagkagulat sa kanyang mukha, pero agad din siyang napangiti at niyakap ako ng sobrang higpit.

"Mi-Mis..naaalala mo na" tuluyan ng tumulo ang mga luha ko.

Hinawakan niya ako sa magkabilang braso at hinarap.

"Yes. Its me, you remembered it... "

Napayakap ako ng sobrang higpit sa kaniya...halo halong emosyon ang nararamdaman ko, Im so happy...
Sobrang saya ko, napaiyak na naman ako..

Shawn, is my kuya Luke.

"Kailan mo pa naalala?" Tanong niya ng maghiwalay kami ng yakap, pinahid ko muna ang mga luha ko.

"Nong nakaraan lang. Ahmm, may gusto pa sana akong malaman. A-ano mo sina Zeke?" Napanganga siya sa tinanong ko.

"You mean, hindi mo pa naaalala lahat?" Tumango ako.

"Is that so, Mis, hindi ko sasabihin hanggat hindi mo pa naaalala, wala akong sadabihin sayo kong hindi mo pa naalala ang mga yon, yon ang sabi ng doctor para mas mapabilis ang paggaling mo"

Napasimangot ako sa sinabi niya. Srsly? Ganon ba yon? Hindi ba dapat mas mapapabilis ang pag alala ko kapag sinabi niya?

"Mag focus muna tayo sa mga naaalala mo, and Im so happy na ako ang una mong naalala..kuya Luke love you, Im here , hindi na kita iiwan" napangiti ako sa sinabi niya.

Walang kapantay ang kasiyahan ko ngayon..feeling ko, natagpuan ko na ang isang bahagi ng buhay ko.

*NEW MESSAGE...

Agad kong tiningnan ang message, at mas lalo akong napangiti nong sinend ni tita Naomi yong pic ko...at confirmed, ako nga si Mis..

Sa sobrang saya ko, niyakap ko muli siya.

Habang pauwi kami nag kwentuhan lang kami, tinanong niya ako kung ano pa yong mga naaalala ko, at syempre , naga kuwento siya related sa mga naaalala ko, pero hanggang doon lang, wala na siyang ibang sinasabi.

At syempre, hindi mawawala yong about sa UFame...eh nasabi ko ba sa inyo na yong mga problema ko ay nasabi ko sa kaniya lahat? DAHIL SA TEXT KO NILALABAS ANG SAMA NG LOOB ko.

At akala ko hindi niya yon nababasa..AT ANG MAS MALALA  NASABI KO DON YONG FEELINGS KO KAY ZEKE.

Kaya ngayon, inaasar niya ako..pero napapangiti ako dahil sobrang saya ko, hindi ko man totally naalala ang lahat, pamilyar naman ang puso ko.

"Sama na kasi ako sa iyo, ayaw ko na dito" sabay pout.
Pero ginulo lang niya ang buhok ko.

"Gusto kana din makasama ni Kuya, pero hindi pa pede, para naman ito sa kapakanan mo" napabuntong hininga nalang ako, I know what he mean, si Leo..at napag usapan din namin siya kanina.

One of the BOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon