Chapter 5

1K 26 0
                                    

ARTHEMIS POV

Nandito na ako sa room namin, nakaupo sa huli, nasa tabi ng bintana.
Tahimik ko lang na pinagmamasdan ang mga taong naglalakad sa may field.
Oo, mag isa ako, walang kausap, walang katabi.
Loner ako, wala akong kaibigan dito tanging yong UFame (Ultimate Fame) lang, which is sina Nate and Dwayne. Wala akong kaibigan kasi ayaw ko lang. Ayaw ko ng mga plastick at manggagamit.
Naranasan ko ng magkaroon ng kaibigan dati, pero nalaman ko na ginagamit lang pala nila ako para mapalapit sa UFame at kapag hindi nila ako kasama, pinag uusapan nila ako na malandi daw ako, na kesyo attention seeker daw ako kaya lumalapit ako sa UFame. Tssk. Kaya mas gusto ko pa na lalaki ang kaibigan ko, walang plastikan at enjoy pa kasama.
Marami ding galit sa akin dito, lalo na kapag kasama ko ang UFame, akala mo papatayin ako sa tingin ehh. Hayyy...

"Kyahh. Guys! Guys may new transferre at ang gwapo, classmate natin" napasimangot ako dahil sa sumigaw.
Alam ko naman na si Zekeil ang tinutukoy nila eh.

"Wahh talaga? Asan?"

"Yong make up ko girl"

I just rolled my eyes.
As if naman papansinin sila ni Zeke. Bwahahaha eh masungit kaya iyon. Napailing iling nalang ako.

"Good morning class" napaayos ako ng upo ng pumasok si sir.

"Good morning sir" we said in chorus.
Napahalumbaba nalang ako habang nakatingin kay sir, as usual introduction for a new trasferred student tssk.

"Sir asan yong new transferre?"

"Gwapo ba sir?"

"Mabait ba?"

Napabuntong hininga nalang ako, hay naku.

"Class. Class relax, please behave" at lumabas ng pinto si sir. Napaayos muli ako ng upo at pinagmasdan ang papasok na si Zeke.

Anak ng Kabayo, ang gwapo naman oh, bagay sa kanya yong uniform niya. I mean gwapo naman talaga siya pero mas gumwapo siya dahil sa school uniform. Kanina kasi hindi pa siya naka uniform ehh.

"Ok please introduce youre self" pagkasabi non ni sir, nagtilian yong mga babae, tapos may iba pang kinukuhaan siya ng pic.

"Just call me Zeke" muntik na akong mapatawa sa pagpapakilala niya.

"Thats all?" Tanong nong teacher namin, napatango naman si Zeke.

Yong mga classmate namin, ayon nganga. Hahaha sabi ko naman sa inyo masungit yan eh.

*KRIINNGG*

Napakunot ang noo ko ng makitang may tumawag na UNKNOWN sa phone ko.
Pero dahil curious na naman ako, sinagot ko na.

"Hello?" Ayan na naman, wala na namang sumasagot.

"Heyy? I said, hello?" Wala parin. Ano bayan, uso ba ang ganito ngayon? Kanina hindi rin  sumagot yong caller ahh.

"Hello? Pede ba, kung wala kang balak sumagot, wag mo akong guluhin------"

"Arthemis" muntik ko ng mabitawan yong phone ko ng tawagin niya ang name ko.

Totoo ba? O sadyang, kaboses niya talaga yong tumawag sa akin kanina.

Kakausapin ko pa sana siya ng pinatayan na pala ako.

Napabuntong hininga nalang ako, ito na naman iyong puso ko na bumibilis ang tibok.

Pero napanganga ako ng makitang nakatingin silang lahat sa akin?
Nakatayo na sa gilid ko si Zeke, tapos nasa harap si Sir tapos lahat ng mga echosera kung classmate naka tingin din. Whats happening here? Masyado ata akong naka focus sa kausap ko sa phone kanina.

One of the BOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon