Author's Note: Bago ka magpatuloy sa pagbabasa, nais ko lang po sanang liwanagin na ang storyang ito ay boring at very common. Cliche ang plot as well as the characters. This was just based on my imagination. Kung may mga grammar mistakes ay pasensya na. At take note: Naa siyay halo nga bisaya. HAHAHAHAHA.
English- The international Language. Paki ko jan.. Sino ba naman kasing addict ang nagsabatas na gawin itong International Language. Tulo'y kailangan nating pag- aralan ito kahit labag sa ating kalooban.:-(
"Silence" Sabi ng Teacher namin na si Ms. Hermosa habang papasok siya sa aming room. Dali daling nagsipag-upoan ang aking mga kaklase sa kani -kanilang mga pwesto. "Mayroon kayong bagong kaklase" dagdag pa niya. "Come here" habang papasok ang isang lalaki .
"Hi I'm Troy, nice to meet you all" sabi ni Troy. Nakatunganga lang ako sa kanyang kagwapohan. Promise. Yong mga mata niyang malalalim na para bang kumikinang, at may lashes pa talagang pagkahabahaba, yong pink niyang cheeks! OMG! Mag artista nalang kaya siya?
"You sit beside Marian." Sabi ni Maam, sabay turo sa bakanteng upuan sa aking likuran. Oi Maam, tabi nalang kami be.. Anu daw yan. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa nakarating siya sa kanyang upoan, na kung saan, nag-smile si Marian ng pagkalaki -laki, na para bang walang bukas. Hai naku Marian, may crush Ka rin diyan, halata.
"So, today, we'll have a quiz" Patay! Wala pa naman akong study. Kumuha nalang ako ng isang pirasong papel.
"Okay, I'll write the question on the board and you'll have 5 minutes to answer."
Binasa ko ang tanung na nakasulat sa pisara "Make your own story on how the family feud between Romeo and Juliet started." Ngek! Tae ka naman Maam. Ni hindi ko nga alam ang buong kwento ng Romeo and Juliet tapos ngayon gagawa kami ng story? Napakamot nalang ako sa aking ulo at sinimulang sagutan ang tanong.
"AHm.. Can I join the quiz Maam?" Sabi ni Troy.
"It's actually all right if you don't join them, but if you insist, sure you can,"Wow ha? Baka nerd ito si gwapo kaya gusto niya itong literature namin na klase.
After 5 minutes....
" Pass your paper."
Dali dali kong pinasa ang aking papel, sabay kamot sa ulo.
"I will be calling 3 random students to share their stories in front." Sabi ni maam sabay kuha ng isang papel. Sana huwag akong matawag,, PLEASE!...
" Natalie?"
"Ha? A--Ako?" Sabay kamot sa ulo.
"BAkit? May iba pa bang Natalie dito?" Sabi ni Maam. May pagkapilisopo pala ito si Maam.
Wala na akong magawa kondi tumayo at kinuha ang aking papel para basahin ang aking story."The family start to fight because of Romeo and Juliet and they kill each other." Tinapos ko ang aking pagbabasa na para bang may tanong sa hulihan, at pagkatapos ay binigay ang papel kay Maam.
"Yon lang ang sagot mo?" Gulat na tanong ni Maam sa akin. Para bang di siya makapaniwala na iyon lang talaga ang naisulat ko.
"Opo!" Sabay balik sa aking upuan. Nagulat na lang ako na may isang humahalakhak sa aking likuran. Napalingon ako para tingnan kong sino' yon, at nakita ko si Mr. Gwapo a.k.a Troy na tumatawa at namumula. I swear, kahit sa ganoong ayos, gwapong gwapo pa rin siya. Ang tawa niya ay parang may dalang pang iinsulto. Medyo nasaktan ako don ah. Napalingon na rin lahat ng aking mga kaklase sa kanya at natigilan siya sa kanyang pagtawa.
"Okay, next..is Marian." Sabi ni Maam. Tumayo si Marian at binasa ang kanyang napakagandang story na nagsisimula sa once upon a time at hindi ko na maintindihan ang kanyang susunod na mga sinabi, para bang nabibingi ako? Siguro epekto ito ng tawa ni Troy.
"Very Good!" Sabi ni Maam na sinundan ng palakpakan ng aking mga classmates.
"Now that's the way a good story should be. Notice how it was being delivered by Marian. It leaves you to want something more." Pagmamalaki ni Maam. Talaga Maam? Wala nga akong maintindihan.
"Troy?" Sambit ni Maam . Tumayo si Mr. Gwapo at lahat ng mga mata ay nakasunod sa kanya na para bang ginayuma.
"Maybe what happened is that, when Romeo's mother had a debt and ...." Hindi ko na pinakinggan ang kanyang pinagsasasabi. Ang bilis niya kasing magsalita, complete with all the accent na hindi ko maintindihan.
"Excellent!" At nagpalakpakan na naman ang aking mga classmates, syempre, nakipalakpak na rin ako na parang may naintindihan.
NapakaBORING naman kasi ng subject na ito. English? Ahai.. Ewan, mag lelecture na naman yang guro namin ng African literature, Conjunction, subject- verb agreement at kahit anu anu pang mga ka- werdohan sa English na parang walang bukas. Sa totoo lang maam? Mag- retire ka nalang kaya o kaya ay mag asawa. Pero hindi na siguro nakapag- asawa kasi nga masyado siyang busy sa pagtuturo at malamang ay wala nang panahon sa mga LOVE3x na yan. Kawawa naman si Maam. Haha .
"Class dismissed."
"Yes!!" Sabi ko habang napatingin si Ma'am sa akin. Salamat naman at tapos na ang aming klase. Hindi ko man lang namalayan, siguro ay masyado akong busy sa pagmumuni muni sa mga bagay bagay.
" Natalie, pwedi ba tayong mag- usap.?" Tanong ni Maam sa akin. Ano na naman kaya ang aming pag-uusapan? Lumapit ako kay maam.
"Bakit po?" Tanong ko kay Maam na ngayo'y tumutingin sa class record niya.
"Masyadong mabababa ang grades mo sa subject ko, anong problema?" Napabuntong hininga ako. Alam ko naman yon eh, dati pa.
"Bakit ? anung problema?" Pag usisa niya. Tinatanong pa ba yan Maam? Siyempre ako ang problema, bobo ako.
"Ahhmm.. nahihirapan po talaga ako Maam, sorry po." Sabi ko
"That's okay! I'm just going to call your parents so that they can hire a private tutor for you."
"Sige Maam!" Sabi ko. Nagpaaplam ako sa kanya at pumunta may pintuan na kung saan ay naghihintay na si Nadine (my best friend)sa akin patungong canteen.
"Anong problema? Bakit ka daw niya kinausap?" Sabay taas ang kanyang pormadong kilay
"Anu pa, eh di grades ko!" Sabi ko habang inilalabas ang dila.
"Hahaha,, Anu pa bang bago?" Sagot ni Nadine. Ito talaga si Nadine, imbes na suportahan ako, eh kabaliktaran ang ginagawa. Palibhasa naman kasi ay hindi siya masyadong bobo, katulad ko. Kung tutuosin, matalino naman itong si Nadine, iyon nga lang, napakatamad mag- aral. Ang inaatupag lang parati ay ang boyfriend niyang si Jay. Napakamot na lang ako sa ulo at sinabing "May magagawa ba ako kung hindi ko talaga maintindihan iyang tinuturo niya."
BINABASA MO ANG
I love English
Novela JuvenilOK. This is just based on the fact that learning a second language can be frustrating.