Third Person
"Mommy...Sino po ung bagong nakatira sa katabi ng bahay natin?"
Tanong ng isang 6 years old na batang lalaki sa kanyang ina
"Hindi ko pa sila kilala Ty eh.." Sagot nman ng kanyang ina
"May nakita po akong batang babaeng may mahabang buhok na kasama nila"
Pag ki kwento nito.."Ahh eh baka anak nila iyon..Maganda ba?" Pagtatanong ng kanyang ina
"Hindi ko po siya nakita nakatalikod po kasi siya eh.. Sa tingin ko mommy kasing edad ko lng po siya"
"Mabuti kong kaibiganin mo siya..kasi siguro wala pa siyang kakilala rito"
Sabi ng kanyang ina at lumapit sa kanyang anak at hinalikan ito sa noo"Sure..Mommy"
Sagot nman ni Ty at niyakap ang kanyang ina...matapos ng paguusap ng dalawa ay dumiretso na sila sa sala upang kumain ng Tanghalian...Mga ilang minuto ay natapos na ito at akmang nagpaalam si Ty upang maglaro sa Playground na katapat lamang ng bahay nila. Paglabas pa lamang niya ng bahay eh kitang kita na ang mga batang naglalaro sa buong Playground. summer ngayon kaya marami siyang makakalaro. Tumakbo na siya patungo roon at nakitakbo na sa mga batang naroon. Mga ilang oras ay nakaramdam na siya ng pagod at naisip na maupo muna sa Swing na nasa sulok na walang sumasakay. Umupo siya roon at nagpahinga habang pinapanood ang ibang batang masayang nagtatawanan habang nakikipaglaro. Napatingin naman siya sa kaliwa ng swing na ngayon eh may nakaupo na. Napansin niya na iyon yung anak ng mga bagong lipat sa katabi nila. May mahabang buhok, matangos na ilong, mapungay na mga mata at may mapulang pisngi."Hi! Anong pangalan mo?" Tanong niya rito
Nadismaya naman siya na hindi sumagot ang batang babae at tumingin lamang sa kanya
"Pwede mo akong tawaging Ty" ani ng batang lalaki at inilahad ang kanyang kamay sa batang babae. Ngunit sa pangalawang pagkakataon, tumingin lamang ang batang babae at hindi umimik
YOU ARE READING
My First And Last ♥
De TodoTy is a child who immediately fell in love with a girl named Thea. Thea grew up in states. When they arrived in the Philippines Ty immediately saw Thea. until they become friends and promise each other that when they are big they should still love e...