Mga Rason Sa Mga Tanong

28 1 1
                                    

by : akoaysawi

Mahal kita pero nakakapagod na.
Minahal kita kahit ang hirap na.

Mahal kita pero bakit ang sakit,
hindi matapos tapos?

Gusto kita pero parang unti-unti na akong nauubos.
Parang kandilang nauupos sa dilim...
Parang araw na nawawala sa takip-silim.

Mahirap pala 'yung laging ikaw lang ang umiintindi at umuunawa.

Parang pasan mo ang daigdig...
na ikaw mismo ang gumawa.

Masakit pala yung ginawa mo na ang lahat...
pero kulang pa rin.

Yung ipinaglalaban mo siya...
pero mali pa rin.

Ayos lang naman sa'yo magsakripisyo.
Parte naman 'yun ng pagmamahal mo.

Pero tao ka lang din naman...
napapagod, nagsasawa, nasasaktan, pinanghihinaan.

Mahal kita pero tama na siguro.
Mahal kita pero may "pero".

Balang araw masasabi ko...
          buti nalang bumitaw ako.

ManunulatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon