by : akoaysawi
Kasalanan ba ang mahulog sa taong hindi ka naman kayang saluhin?
Kasalanan mo ba na ang tanging gusto lang ay pahalagahan at mahalin.
Kung tatanungin ba natgin ang isa't-isa sino nga ba ang may sala?Ang umasa sa pagibig na walang kasiguraduhan... o...
Ang tulad mong nagbigay pag-asa sa pag-iibigan?
Mali nga ba ang umasa?
Mali nga ba ang mahalin ka?Kasalanan ba ang umasa sa tayo...
Sa pagkakataong pwedeng maging ikaw at ako.
Tanga bang maituturing ang tulad ko?
Tangang nahulog sa mga ngiti mo...
Tangang nahumaling sa mga titig mo...
Tangang umaasang mapapasa iyo.Bakit ako umasa?
Kasi alam kong mahal kita...
Kahit masakit...
Kahit parang walang pag-asa...
Kahit mukha na akong tanga.
BINABASA MO ANG
Manunulat
RomanceSabi nila ang Pag-Ibig hinihintay yan, wag kang magmamadali kasi kahit ilang lalake ang manakit sa'yo darating at darating din ang tamang tao para sa'yo. Yung taong mamahalin mo hanggang sa wakas ng iyong buhay. Yung taong hindi ka sasaktan. At yung...