❇️KABANATA 3❇️

14 2 0
                                    

"Jessica open this door" Sabi ng isang boses babae sabay katok ng ilang beses sa labas ng kwarto ko.

"Buksan mo na 'to insan" Nagaalala pang sabi ng isa pang boses lalaki.

Pero di nagpatinag si Jessica.
Di nya pinansin kung sino ba yung kumakatok at nagiingay sa labas ng kwarto nya.

Nakahiga parin sya sa kama nya at umiiyak magdamag.

Nagaalala na ang mga magulang at kaibigan nya dahil sa isang linggo na syang nakakulong sa kwarto nya. Dinadalhan lang sya ni Manang Isca-katulong nila at lumalabas na rin ito dahil yun ang utos nya dito.

Tinakpan nya ng unan ang kanyang tenga dahil naiirita na sya sa ilang beses na katok na mga tao sa labas ng kwarto nya.

Maya-maya lang ay nawala na ang mga katok at boses sa labas ng kwarto nya.

"Sana sa paggising ko mawala na yung sakit" Sabi nya sa sarili nya at pumikin na.

Akala nya umalis na ang mga tao sa labas pero akala nya lang yun.

Di pa sya nakakatulog ay biglang bumukas ang pintuan nya at may mga yabag ng mga paa syang narinig patungo sa kama nya.

Nagtulug-tulugan sya dahil baka sakaling iwan na sya ng mga ito para makatulog.

Pero mali nanaman sya.

"Bes, alam kong gising ka. Bumangon ka dyan" Seryosong sabi ni Ara-Bestfriend nya.

Wala na syang nagawa kaya bumangon na sya sa pagkakahiga.

"Ano ba yang mata mo insan" Nagaalalang sabi ni Jethro-pinsan nya.

Nagtataka syang tumingin sa pinsan nya pero tinuro lang nito ang banyo nya.

Tumayo na sya at pumunta sa banyo nya. Nakita nya sa salamin ang mukha nya. Ang mata nyang namamaga dahil sa kaiiyak simula nung sabado pa.

"My ghad. Anyari sa mga mata ko. Magang-maga" sabi nya sa sarili

Naghilamos na lang sya at lumabas na sya sa cr.

Pagkalabas nya ay nakita nyang nakatingin ang mga kaibigan nya sa kanya. Nakita nya sa mga mata nito ang pagaalala sa kanya.

Biglang umiwas ng tingin sa kanya si Mia-pinsan nya . "Insan ayusin mo na yang itsura mo. Aalis tayo" sabi nito at biglang tumayo.

Nagtaka syang tumingin dito pero mukhang di napansin ni Mia ang pagtingin nya.

"Bes bilisan mo na dyan. Iintayin ka na namin sa baba" Sabi ni Ara at lumabas na silang tatlo.

Umupo sya sa kama nya. " Naalala ko nanaman yung panloloko nya. Bat ba di mawalawa-"Di pa nya natatapos ang pagkakausap nya sa sarili nya ng may magsalita sa may pintuan.

Napatalon sya sa gulat ng may biglang magsalita sa labas ng kwarto nya.
"Di pala nasarado kanina yung pintuan" sabi nya uli sa sarili.

"Oy magayos ka na" sabi ng pinsan nyang si Jethro at umalis na.

Tumayo na sya para isara yung pinto at pumunta na sa banyo.

Naligo sya, nagbihis ng v-neck shirt na black at pantalon.

Inayos na nya ang sarili "Pero kung may maiaayos pa ito" sabi nya at bumaba na.

"Tara na" Aya ni Mia ng makita sya

Tumango lamang ito at sumunod na sa mga ito.

"Napagpaalam ka na namin don't worry" Sabi ni Ara

Kahit curious sya kung saan sya dadalhin ng mga kaibigan nya ay pinili na lamang nyang manahimik sa tabi ng bintana.

Dahil sa sobrang pagod nya sa kakaiyak magdamag sa buong isang linggo ay nakatulog sya sa byahe.

Hindi nya namalayan na huminto na ang sinasakyan nila dahil sa sobrang himbing ng tulog nya.

"Huwag mo muna syang gisingin Mia. Kahit mga after 5 minutes mo na lang sya gisingin. Siguradong pagod yan sa kakaiyak" Sabi ni Jethro kay Mia

"Sige, magayos na kayo doon" Sagot ni Mia at umalis na ang dalawa

~❇️~❇️~❇️~❇️~

"Jessy gising na matutulog na tayo. Charot. Gising na Jess"Pagigising na sabi nito kay Jessica

"Hmm"Sagot nito sa kanya

"Jess gising na, nandito na tayo"

Ng imulat ni Jessica ang mata nya ay ginala nya ito. "Asan tayo?" Tanong nito pero di sya sinagot ng kasama nya. "Asan sila?" tanong uli nito sa kasama "Nasa labas. Tara na" pagkasabi nya ay lumabas na ito.

Kahit nagtataka sya kung saang lupalop sya dinala ng mga kaibigan nya ay sumunod na rin ito.

Nakita nya sa di kalayuan ang dalawa pa nyang kaibigan. Nilibot ng mga mata nya kung nasaan sila. Saka lamang nyang napagtanto kung saan sya dinala ng mga 'to.

"MY FAVORITE PLACE "Sabi nya sa kanyang isip "Paborito kong lugar nung mga bata pa kami" Sabi pa nya.

Napangiti ito ng mapakla dahil sa naalala problema nya. Naalala nya kung bakit sya nagkulong sa kwarto nya ng ilang araw.

"Insan" Bumalik lamang ito sa huwisyo ng tawaging sya ni Jethro

Tumingin sya dito na may pagtataka. Pagtataka kung bakit dito sya dinala ng mga ito.

"Uy kain na tayo" Nabaling naman ang tingin nila kay Ara na may ngiti pero di abot sa mga mata nya.

Ngayon nya lamang napansin ang mga nakalatag sa damuhan dahil sa lalim ng iniisip nya.

Kumuha lamang sya ng mansanas at kinagatan ito.

"Jess" Tawag nito kay Jessica na ngayon ay nangalahati na ang mansanas na kinakain nya. Napatingin si Jessica sa kanya.

"Insan kaya ka namin dito dinala para ilabas mo yang mga nararamdaman mo. Dito mo isigaw" Sabi ni Jethro na may paaalala sa mukha

"Bes isigaw mo" Sabi naman ni Ara habang kumakain ng pik-nik.

"Jess ilabas mo na" Anya ni Mia

Tinignan muna nya ang mga kasama at bumuntong hininga bago tumulo ang mga luhang kanina pa nagbabadyang tumulo.

"Akala ko wala na yun pala meron pang ilalabas." Sabi nya sa sarii at nagsunod-sunod ng tumulo ang mga luha nya.

"Bat ganoon? Minsan lang ako magmahal pero niloko pa. Bat kailangang ako pa? Oo, tanggap ko na pangit ako pero bat pati yung puso ko? Ayoko na. Ayoko ng magmahal." Iyak lang ng iyak sya ng may maramdaman syang may umakbay sa kanya. Tinignan nya ito pero di nya makita ang mukha dahil puno ng luha ang mata nito.

"Sige lang Insan" May lungkot sa mga mata na sabi ni Jethro. Pinunasan nito ang mga luhang tumutulo sa pinsan nya at niyakap ito.

Napansin naman ni Jessica na wala ng tumutulo dito "Siguro naubos na dahil isang linggo ako umiyak" sabi nito at humiwalay na sa yakap ng kanyang pinsan.

"Siguro nga" Sabi ni Mia habang kumakain ito ng ubas.

Humiga ito sa kandungan ni Ara. Hinaplos-haplos naman ni Ara ang kanyang buhok na hanggang balikat. Naramdaman nyang unti-unting bumibigat ang mga talukap nya at hinayaan lang nya iyon.

"Ipahinga mo muna yang mata mo Bes"

M     A     G     K     A     I     B     I     G     A     N   [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon