❇️KABANATA 2❇️

16 2 0
                                    

Iyak lang ako ng iyak. Di ko lam kung saan ba ko dadalhin ng paa ko basta ang nararamdaman ko lang ngayon ay sakit.

Namalayan ko na lang pala na nasa park ako ng subdivision na ito ng makahinto na ako.

So dito pala ako dinala ng paa ko. Park na gusto kong puntahan pag gusto kong magpahangin.

Umupo ako sa duyan habang may pumapatak pa rin na mga luha sa mata ko.

Di ko alam kung ilang oras na ba ako nandito. Nakaupo lang ako sa duyan at nakatingin sa kawalan.

Bakit kasi kaylangan ako pa? Nananahimik ako tapos bigla syang papasok sa buhay ko at guguluhin ang tahimik kong buhay? At ako naman itong si t*nga pumayag sa g*gong yun.Bat kasi pumayag ako eh!?! Alam ko namang impossible nya akong magustuhan dahil sa itsura ko.

Tama nga sila. Nasa huli ang pagsisisi. Sising-sisi ako. Pinagsabihan na ako ng mga kaibigan ko pero bat di ko sila pinakinggan?

Di ko namalayan na tumulo nanaman ang mga luha ko. Ay mali. Umagos nanaman ang mga luha ko.

"Peste! Bat di kayo maubos-ubos?" tanong ko sa isip ko. Tumingin ako sa ibaba sabay pahid ng mga luha kong tumutulo. Di kalaunan napagod din ako. Napagod din akong punasan ang mga luha ko na patak ng patak kaya hinayaan ko na lang.

Baka ganyan din ang ginawa ng mga kaibigan ko. Hinayan na lang nila ako. Nung mga panahong pinagsasabihan nila ako at ako naman ay puro pagkakampi dun sa bwisit na yon. Hinayaan na nila ako dahil siguro pagod na sila sa kakasabi sa akin na niloloko lang ako ng Bwisit na lalakeng yun. Pero sa huli di parin nila ako iniwan. Nandyan parin sila sa akin. Nung mga panahong nagising ako sa reyalidad, nandoon sila. Nandoon sila sa akin para matakasan ko na ang madilim kong sinapit.

Sa malim kong pagiisip ay may naramdaman akong prisensya ng tao dito sa kinauupuan ko. Iniangat ko unti-unti ang ulo ko hanggang sa makarating ako sa mukha nya. Pero di ko sya makita dahil sa mga luha ko. Pinunasan ko ito at dun ko lang nakita ang mukha nya.

"Miss are you ok?" Tanong neto sa akin "Sa tingin mo?!" pagsusungit ko sabay pahid ng basa kong kamay sa pants ko. Pero di ko na lang sya pinansin. Ibinaling ko na lang sa iba ang tingin ko habang may tumutulo paring luha sa mga mata ko.

"Miss oh" Sabi ng lalakeng nasa harap ko. "Di ako si Oh" musungit ko ulit na sabi dito at pinunasan ko nanaman ang mga luhang tumutulo sa mga mata ko. Bigla naman syang natawa sa sinabi ko. "Ano nakakatawa sa sinabi ko?" tanong ko dito na pasungit parin. Unti-unti naman nababawasan ang mga pagpatak sa aking mga mata. Kung kanina parang umaagos ngayon naman ay tatlong patak kada 2 segundo.

"Oh I mean. Miss ito oh pamunas" Natatawa nya sabi sabay abot ng bench&bath nya na kulay sky blue. Tinignan ko sya ng seryoso kaya ayun natigil sa kakatawa. Tinignan ko naman yung inabot nya sa akin pero binalik ko rin yung tingin ko kung saan man ako nakatingin kanina.

"Miss sorry ha" Sabi nya pero di ko sya pinansin. "Alam kong dapat panyo yung binibigay pag may nakikitang umiiyak na babae pero ala eh. Yan lang dala ko ngayon" Sabi pa nya. "Miss, oh eto na" dagdag nya. Tinignan ko uli sya na may seryosong tingin "Di ka naman masyadong mahilig sa salitang 'oh' ano?!" Sabi ko at tinignan uli ang nasa kamay nyang bench at kinuha.

Umupo ang lalake kong kaharap sa duyan na nasa gilid ko. Siguro napagod dahil kanina pa sya nakatayo.

Namalayan ko na lang na wala na palang tumutulong luha sa mga mga mata ko. Huminga muna ako ng malalim bago magsalita muli.

"Salamat dito" Sabi ko pero di parin nakatingin sa kanya. "No problem" sagot naman nya. Huminga uli ako ng malalim at nagsalita uli. "Ako marame" Sabi ko at yumuko.

M     A     G     K     A     I     B     I     G     A     N   [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon