❇️KABANATA 4❇️

14 2 0
                                    

Napabalikwas ako ng marinig ang alarm clock ko dito sa tabi ng kama ko.

8:30 na ng umaga

Ngayon ko na babaguhin ang dating JESSICA VELASQUEZ.

Babaguhin ko na ang dating ako. Dating ako na mahina. Dating ako na panget. Dating ako na laging inaapi. Dating ako na laging nasa isang sulok lang.

May pinangalan pa nga si insan Mia sa gagawin ko ngayon eh. "OPERATION: CHANGE JESSICA VELASQUEZ TO A BEAUTIFUL LADY" Di halatang madalian lang inisip ano?

Linggo ngayong umaga kaya naiispan kong tawagan ang mga kaibigan ko.Naisipan kong ngayon ko na gawin ang "OPERATION: CHANGE JESSICA VELASQUEZ TO A BEAUTIFUL LADY". Babaguhin ko na ang Jessica na kilala nila bilang isang mahina, nerd, tahimik, may mahaba at maluwag na damit at iba pa na puwedeng idescribe sa isang nerd na kagaya ko.

CALLING INSAN KONG BALIW.....

"Hello Insan Mia, magkita-kita tayo sa Starbucks ngayon pag kabukas ng Mall. Pakitawagan na lang sila." May ngiti kong sabi dito kahit di nya ko nakikita. "Geh, kitakits" Sabi nito at pinatay ko na.

Dahil sa gusto kong ipamukha sa lalakeng nangloko sa akin na sinayang nya ang kagaya ko ay babaguhin ko ang aking sarili. Babaguhin di para sa kanya kung hindi para sa akin.

Ayoko ng maapi. Ayoko ng maloko. Ayoko na ng dating ako. Pero di ako gagaya sa ibang mga babae dyan na makapagsuot ng mga damit na maiiksi kalo mo naman naubusan na ng tela, mayayaman naman. Di ko rin gagayahin yung mga ugali nila.

Pagatapos kong tawagan si Insan ay pumunta na ako sa banyo para maligo.

Tinignan ko yung itsura ko sa salamin "Hays buti naman nawala na ang pamamaga ng mata ko" sabi ko sa sarili ko at naligo na.

Pagatapos kong maligo ay nagbihis ako ng pantalon at t-shirt na white na may design na mga maliliit na star na black. Sinuot ko naman ang sneakers kong sapatos na white.

Pagatapos kong magbihis ay bumaba na rin ako at nakita ko si mommy at daddy na kumakain ng agahan.

"Are you ok now my dear?" Tanong ni mommy sa akin. Lumapit ako dito at humalik sa pisnge nya.

Sinabi ko sa kanila na wag magalala sa akin nung mga nakaraang araw. Ayaw ko silang naiistress dahil sa akin. Stress na nga sila sa trabaho nila maiistress pa sila sa akin. Sabi ko nga sa kanila na malaki na ako at ganito talaga ang mga nararamdaman ng mga babae pag dating sa ganitong stage. Di ko na sinabi yung totoo sa kanila dahil ayaw ko ng madagdagan ang stress nila. Basta ang alam lang nila ay di ako pumapasok ng mga tatlong araw yun lang.

Tumango ako at ngumiti dito. Lumapit naman ako kay daddy at ganoon din ang ginawa ko. Pagatapos kong humalik sa pisnge nila ay umupo na ako.

"Mom dad gusto ko na pong baguhin ang JESSICA VELASQUEZ na nakilala nila." sabi ko sa kanila. Nagulat sila at nagkatinginan "Sure ka ba dyan anak?" Tanong ni Mommy na may pagaalala sa mga mata.

"Yes mom" Ngumiti ako sa kanila para di na sila magalala pa.

"May pera ka ba ngayon anak?" tanong sa akin ni daddy

"Meron pa naman po"

"Oh, dagdag mo anak" Ngiti nitong sabi.

"Anak gusto kong magandang maganda ka ha" Sabi ni mommy na may sobrang laking ngiti.

"Copy that ma" Sabi ko kay mommy at kumindat

Pagatapos kumain nila mom ay nagpaalam na ito sa akin. Naiintindihan ko naman sila eh. Para sa amin yun ni ate sa future.

M     A     G     K     A     I     B     I     G     A     N   [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon