Chapter 2

152 15 3
                                    

"Love bakit naman nakipag ayaw ka pa kay Kris di ba sabi ko naman sayo wag mo na syang patulan." Saway ni Dara kay Jae

Nalaman kase ni Dara ang nangyareng pagtatalo nina Jae at Kris sa school canteen ng University nila.

"Eh kasi naman Love nakakainis na ang Kris na yun alam na nga nyang girlfriend na kita pero patuloy parin sya sa pangungulit sayo na balikan mo sya, Nalaman ko pa kila Jing na halos araw araw syang nag papadala ng bulaklak sayo sa classroom nyo." Parang batang sabi ni Jae,

Sobrang inis na inis talaga si Jae dahil kay Kris at sa mga pinag gagagawa nito para lang balikan sya ng dating girlfriend.

"Hayaan mo na sya Jae ang isipin mo nalang girlfriend mo na ko ikaw na ang boyfriend ko at sya ex ko nalang means past na sya at ikaw ang present di ba." Pangungumbinsi ni Dara kay Jae.

"Haist fine basta akin ka lang Dara maliwanag you are mine Love Mine Alone." Sabay yakap ng mahigpit ni Jae kay Dara.



















Taehy Mansion ( Dito nakatira si Mik at Dara kasama ang mama ni Dara na bagong asawa ng Papa ni Mik at Papa ni Mik )





<BTS : MIC DROP Paki-play sa taas kung gusto nyo lang :-) >






Nakahiga si Dara sa kanyang kama habang nanunuod ng MV ng BTS na Mic Drop at kapag napo-fucos ang camera kay Jungkook na ultimate bias nya ay di nya mapigilan ang mapatili sa sobrang kilig.

"Kyaaaaaaaaaaaa!!! OMG!" Tili ni Dara na halos magpagulong gulo na sa tuwa.


Naalarma naman si Mik sa biglaang pagtili ni Dara ng mapadaan sya sa kwarto ni Dara habang patungo ito sa kanyang kwarto kaya dali dali nyang binuksan ang pinto ng kwarto ni Dara na ikinagulat naman nito.


"Shit! Noona Anong nangyare bakit ka tumitili dyan." Wika ni Mik na Bakas ang pag aalala sa mukha nito.

"Huh! Ok lang naman ako Mik wag mo ko pansinin."simple sagot ni Dara bago muling humarap sa cellphone nya.

"Akala ko naman kung napaano ka na Noona nag alala pa man din ako sayo....Teka ano ba yan?" Tanong ni Mik ng mapansin ang pinapanood ni Dara sa cp nito.



"Ah ito ba Mucis Video ng idol kong BTS.."kinikilig na sagot ni Dara.

"BTS?! Ano yun.?"clueless na tanong ni Mik kaya napaharap si Dara sa kanya na panasimangot na lihim naman na ikinatuwa ni Mik dahil sa sobrang cute ni Dara sa paraan ng pag simangot nito.

"Seriously Hindi mo kilala ang BTS?! Gush! BANGTAN BOYS lang naman ang pinaka sikat na Korean Boygroup sa buong planet earth ngayon at lahat sila super gwapo! Specially si Jungkook ko." Lihim naman na nainis si Mik sa kung sino man ang Jungkook na hinahangaan ngayon ni Dara.


"Sus! Akala ko kung ano na pakita nga!"sabay agaw ni Mik sa Cellphone ni Dara.

"Hoy cellphone ko yan Mik akina nga yan." Akmang kukunin ni Dara ang cellphone nya ng iyangat ito ni Mik gamit ang kanang kamay nya at dahil mas matangkad si Mik kaysa kay Dara ay hindi nya ito naabot at napasubsob lang sya sa Dibdib ni Mik na ikinatuwa naman nya.

"Ano ba Mik ibalik mo na sa akin yan hindi pa ako tapos!" Maktol ni Dara na pilit inaabot ang cellphone nito sa kamay ni Mik kaya halos nakayakap na si Dara kay Mik.

"Ayoko nga,ito pala yung mga BTS na idol mo e mas gwapo pa ako sa mga to!" Sagot ni Mik na ikinainis ni Dara kaya pinaghahampas nya ito.


"Hoy Ang Kapal mo Mik hindi ka gwapo!! Mas gwapo sila sayo lalo na si Jungkook ko at si V!" Pagtatanggol ni Dara sa Idol nya.



Tumakbok si Mik palabas ng kwarto ni Dara at bumaba patungo sa sala ng Mansion nila habang si Dara naman ay hinahabol sya nito.


"Hindi mas gwapo ako sa mga to!"


"Ang kapal mo talaga Mik akina na cellphone ko sabi e!"inis na sigaw ni Dara.


"Ayoko nga sabihin mo muna na mas gwapo ako sa mga panget na to!"

"No way Mik ano ba!!"



"Edi No way din hahahaha !" Pang aasar ni Mik kay Dara



"Pagod na ko Mik balik mo na phone ko."maktol ni Dara sabay upo sa mahabang couch sa sala. Agad naman syang tinabihan ni Mik sabay wagayway sa phone ni Dara, Lihim naman na nagplano si Dara sa isip nya para makuha ang cellphone sa step brother nya na si Mik, bumilang sya ng tatlo sa kanyang isip bago sunggaban ng halik sa pisngi si Mik.


Nagulat si Mik sa biglang paghalik ni Dara sa pingi nito kaya ilang sigundo rin itong nawala sa kanyang katinuan.

Ngiting tagumpay naman si Dara dahil naagaw nya mula sa kamay ni Mik ang cellphone nya.


"Hahaha grabe isang kiss lang pala ang katapat mo Mik hahaha bye! Bye! Step Brother." Paalam ni Dara sa nakatulala parin si Mik.



Naghuhurumintado naman sa saya ang puso ni Mik sa paghalik ni Dara sa kanyang pisngi dismayado man dahil sa pisngi lang sya hinalikan ng dalaga ay masaya na rin sya atlest may kiss sya sa step sister nya.


Dahan dahang hinaplos ni Mik ang Pisngi na hinalikan ni Dara at parang timang itong napangiti.




"Shit! Nabitin ako,...wait dapat pala araw araw kong agawin ang phone nya para ikiss ulit nya ko hahahaha tama! Tama! Bukas ulit." Wika nito sa isip nya.

The Goddess And The Seven Prince'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon