Chapter 4

74 12 1
                                    

Nabalitaan ni Jae na sabay na Breakfast sina Dara, Yunsoo at Don kaninang umaga kaya naman nababadtrip nanaman sya ngayon specially kay Don na walang tigil sa pag suyo kay Dara kahit pa alam na nito na may boyfriend na sya.

"Love kasama naman namin si Yunsoo kanina kaya wag ka ng magalit please."nag papacute na sabi ni Dara sa boyfriend nyang hindi maipinta ang mukha sa inis.

"Ah basta naiinis parin ako sa susunod kase love kumain ka muna bago pumasok." sermon nya kay Dara saka ito niyakap ng mahigpit.

"Akin ka lang Dara ko." masaya namang gumanti ng yakap si Dara sa kanya possessive boyfriend.

"Opo sayo lang ako." sa sagot ni Dara ay nakahinga ng maluwag si Jae.

"Sana nga akin ka na lang, akin ka parin kahit malaman mo ang totoong nangyare noon." bulong ni Jae sa kanyang isipan.


















Lumipas ang ilang araw at naging busy na si Dara at iba pang SC members dahil narin sa nalalapit na Intramural sa campus nila na mag sisimula next week.



May mga booth na rin sila tinatayo at syempre hindi mawawala ang games sa bawat department. kaya yung iba ay nag papalista na para makasali sa mga sasalihan nilang laro, May basketball, Volleyball, at kung ano ano pang sports contest pero ang pinaka inaabangan ng lahat taon taon ay ang Battle of the bands  at kung sino ang mananalo bilang Mr and Miss. Intramural 2018




Magkasama sina Yunsoo at Dara ngayon dahil parehas silang member ng SC wala si Don ngayon dahil may practice sila sa basketball, gayun din Jae na kasali din sa Basketball sa Business Administration department same course kase ang dalawa pero hindi sila magkaklase sa ibang subject.


"Dada anong sasalihan mo?" tanong Yunsoo kay Dara.

"Hindi ko pa alam Yuyu ikaw ba ano ang sasalihan mo?" balik na tanong ni Dara sa kaibigan.

"wala hindi naman ako mahilig sumali sa  mga ganyang sports game alam mo naman ako pagluluto lang hilig ko." Hrm kase ang Course nina Yunsoo at Dara at same pa sila ng schedule. Bata palang sila hilig na ni Yunsoo ang pagluluto isang mahusay na Chef ang mama at papa nya at may ari sila ng isang kilalang restaurant sa lugar nila at dahil magkaibigan sina Yunsoo at Dara since mga bata pa sila ay nahawa na si Dara kay Yunsoo sa hilig nito sa pagluluto at plano nilang magpatayo ng restaurant kapag naka graduate na sila.



"Ay Oo nga pala! sorry naman po!" nagpaacute pang sabi ni Dara kaya natawa sa kanya si Yunsoo.


"Eh ikaw bakit hindi ka sumali may basketball na pang babae ngayong taon ah bakit di mo itry magaling ka naman mag BasketBall ah." opo magaling mag basketball si Dara dahil narin sa mga pinsan nyang puro lalake kaya natutu sya specially kay siwon na pinsan nya na madalas nyang kaOne on One noon.



"Oh kaya sali ka ulit ng Miss.Intramural tiyak mananalo ka ulit kase ikaw naman ang pinaka maganda dito sa buong Campus" Suggestion ni Yunsoo


"Ayoko ng sumali sa Miss.Intramural tama na yung minsan." noong first year kase si Dara dito sa Campus nila ay sinali sya ng kanyang mga kaklase sa Hrm Department at nanalo sya na Miss. Intramural 2016



"Pero..."hindi natuloy ni Dara ang sasabihin ng sumingit si Yunsoo.

"Pero Ano?" tanong ni Yunsoo.

"Parang gusto ko sumali sa Basketball matagal tagal na rin nung last akong nakapag laro ng BasketBall eh nakakamiss tuloy." sabay wink ni Dara kay Yunsoo.


"Pero teka Dada baka magalit si Jae kapag sumali ka alam mo naman yung boyfriend mo na yun napaka possessive saka hindi naman nya alam na nag lalaro ka ng BasketBall di ba." natatawang sabi ni Yunsoo.


"Saka ko nalang sasabihin sa kanya kapag kasali na ko love na love naman ako ni Jae kaya sure ako na susuportahan ako nun saka kasalanan mo Yuyu ikaw nag suggest na sumali ako kaya ikaw ang lagot kay Jae." tatawa tawa sabi ni Dara kay Yunsoo na napakamot nalang sa ulo nya.





A/N: Sorry po  slow and short update muna ko ngayon babawi ako sa next Chapter.

The Goddess And The Seven Prince'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon