Chapter 1

80 8 0
                                    

Genevieve Pantio's P.O.V.

The smell of the bar still sucks as I walk inside the bar. Ang osok at ang ibat-ibang ilaw ang nakapag libang sa mga taong andito. May ibang nagsasaya habang kasama ang barkada meron ding nag sesenti sa may stool bar and of course hindi mawawala ang halos nakahubad na kung maglampungan sa isang tabi.

Typical situation sa isang bar.

Sa tanang buhay ko, sa bar nako lumaki. Dito na ako namulat sa katotohanan tungkol sa mundo. Dito na rin ako nagka-isip.

Nag tratrabaho rin si mama dito noon, bago pa siya kunin ng panginoon. Kaya mostly sa mga taong pumupunta dito kilala ko. Alam ko na rin ang pasikot-sikot dito. At ngayong malaki na ako at wala na si Mama para mag-alaga sa akin. Nag apply ako bilang waitress kahit part time lang. Para may pantos-tos ako sa pang araw-araw na kailangan ko at para maitaguyod ang sarili ko sa pag-aaral.

Aba gusto ko ring maka pagtapos ano. May pangarap rin ako. At isa sa daan patungo sa aking pangarap ay ang pag pasok ko sa Lincoln University bukas. Unang araw sa pasukan bukas. Fourth year college na ako sa kursong BS Customs Administration. Plano kung tapusin ang College life ko sa pampublikong paaralan nalang sana total dito narin naman ako nagsimula, kaso mas maganda at maraming opportunity kung dun ako sa Lincoln Univeristy. Pribado ang paaralan pero isa ako sa inalokan nila ng scholarship kaya hindi na ako nagdalawang isip at tinangap ang alok nila. Tutal wala naman akong babayaran dahil scholar ako. Ang kailangan ko lang gawin, mag fit in. Mga anak mayayaman ang mga tao roon. Hindi sanay sa hirap ng buhay. Sana lang ay maka pag adjust kaagad ako.

"Geni!!!" Napalingon kaagad ako ng makitang tinatawag na ako ni Lhea.

"Faster Geni!!! Dahil baka kainin ka ng buhay ng nag aapoy sa galit na si Sir Raffy." Dag dag niya pa na kaagad namang nakapag taranta sa akin. Eto lang ang trabahong pwedeng pasokan nang isang kagaya kung mahirap at nag-aaral pa. Kaya hindi pwedeng masesante ako.

"Late na talaga ako. Sige balik kana dun at baka madamay ka pa. Mag bibihis lang ako saglit." Sagot ko sa kaibigan ko at kaagad na nagpalit nang damit.

Bar ang pinagtratrabahuan ko pero desente naman ang damit naming mga waitress. Polo shirt at itim na slacks ang uniporme namin at hindi yung maiikling damit na nagkulang sa tela.

"Bilisan mo ahh" Dagdag pa niya.

"Oo. Lalabas na rin ako." Sagot ko at nagpatuloy na sa pagbibihis. Dahil paniguradong uusok na naman ang ilong ng boss ko.

Napa irap ang boss ko ng makita niya akong kakalabas sa quaters ng mga employee. "Mag o-overtime ka ngayon Geni dahil isang oras kang late!" Sabi ng boss ko habang namamaypay para pakalmahin ang sarili niya.

"Yes sir.. este Maam." At mula sa pag taas ng dalawang kilay ay umirap na naman ito at nag lakad pa balik sa opisina niya.

Tama kayo ng narinig hindi lalaki ang boss ko kundi binanabae. Lalaking may pusong babae. In short, bakla! Sa umaga siya si Sir. Raffy sa gabi si Maam Ruffa.

Kanina pa ko nag lilinis sa mga pinag inuman ng mga ma agang umuwi. At nangangalay na ang mga kamay ko. Pagod na rin ako dahil buong araw kung nilakad ang mga kailangan kung ayusin upang makapasok na ako bukas. Pero g lang ang pagod, marami kayang gwapo. Free titig. Ang kaso nga lang, karamihan sa mga gwapong andito, si bataan lang ang plano. Hindi ang buong puso mo. Kaya wag na wag kayong magpapadala sa mga gago.

Gawain ko na talagang obserbahan ang mga taong nasa paligid ko. At sakto ngang lumapat ang mga mata ko sa isang lalaking bagong dating. Naramdaman niya sigurong naka titig ako sa kaniya kaya napunta ang kulay chokolate niyang mata sa gawi ko. Hindi ko mapigilang hindi kiligin ng ngumiti sya. Pakshet ang gwapo ngumiti. May dimple pa at ang puti ng ngipin. Ang sarap sampalin ng sarili ko. Halatang kinikilig ako. Nakakahiya.

The Secret Identity Of Mr. PresidentWhere stories live. Discover now