Genevieve Pantio's P.O.V.
Napabalik ako sa akong ulirat ng biglang bumilis ang pagpapatakbo niya.
"What was that?" Galit na tanong niya sa akin. Napahawak ako sa upuan kasi ang bilis ng pagpapatakbo niya. Sasagot na sana ako ng sumigaw siya.
"AAHHHHH!!" Nabigla ako ng bigla niyang hininto ang sasakyan.... at galit na tumingin sa akin.
"TANG-INA NAMAN GENEVIEVE!! ALAM MO BANG ANSAKIT NG PUSON KO!! DI AKO NAKAPAGLABAS!!! PUTA!!" Nanginginig akong yumuko. Natatakot ako. Ngayon ko lang nakita ang side niyang eto. Sanay ako sa palangiting Manwhore na palaging nang-iirita.
"Sorry.." sabi ko ng halos pumiyok na ang boses ko. Nagbabadya ng tutulo ang luha ko. Ramdam na ramdam ko ang galit niya.
"SORRY?!!! BWISIT NA SORRY!! DI MATATANGGAL NIYAN ANG SAKIT NA NADARAMA KO NGAYON!" Hindi ko naman kasalanan na hindi sila nag lock diba? Na dun pa talaga sa kotse nila ginawa yun.
"Sorry Dave.." pumiyok na ako ng banggitin ko ang pangalan niya. Takot na takot ako. Ayokong makita ang ugali niyang eto. Ok na sa akin yung Manwhore na siya wag lang yung sumisigaw na halos lumabas na yung mga ugat niya sa leeg.
Atsaka wala naman ako alam na andun sila sa loob eh. "Sorry *sob* talaga *sob*" Paulit ulit akong nagpaumanhin sa kaniya habang patuloy na lumalandas sa aking mga pisngi ang mga luha ko.
"*sob* Sorr.." naputol ako ng bigla kong maramdamang niyakap niya ako. "Sorry Dave" Sinabi ko ulit habang umaagos parin sa pisngi ko ang mga luha ko.
"Sshhh" marahan niya akong tinapik at linagay ang ulo ko sa may dibdib niya. Pinaikot ko naman ang kamay ko sa bewang niya at yumakap sa kaniya. Naramadaman kong mas himumigpit ang yakap niya sa akin. Tumutulo parin ang mga luha ko kaya alam kong nababasa na ang damit niya. Pinatatahan parin niya ako.
Ang sarap pala pag ganito ako kalapit sa kaniya. Na aamoy ko yung pabango niyang ang sarap amoyin. Parang tumigil ang mundo ko sa ganoong posisyon namin. Parang ansarap mabuhay sa yakap ng isang Dave Apostol.
Natigilan ang mga luha ko sa pag agos ng magsimula siyang kumanta...
"You are my sunshine
My only sunshine..."
Mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kaniya. Tumigil na ang mga mata ko sa pag iyak. Tila ang ginagawa lang ng sarili ko ay yumakap at makinig sa kaniya.
"You make me happy
When skies are gray..."
Ang ganda ng boses niya. Na alala ko tuloy noong una kong pasok sa LU. Siya pinagkaguguluhan ng mga tao. Kumakanta pa siya nun. Ngunit hindi ko iyon masyadong pinansin dahil sa galit ko sa kaniya. Pero ngayon. Ewan ko kung anong nangyari sa akin. Nakak-hypnotismo ang mala anghel na boses niya.
"Youll never know when
How much I love you..."
Sa ngayon hahayaan ko muna ang sarili kong limutin ang una naming pagkikita. E-enjoyin ko muna ang pangyayaring to.
"Please dont take
My sunshine away.."
Ang malunod sa boses ng isang Dave Apostol.
Nagising akong may naka balot na jacket sa katawan ko. Nandito parin ako sa sasakyan ni Dave. Nakatulog pala ako sa pagkanta niya sa akin kanina. At si Dave?
Eto natutulog habang nakawak sa kamay ko. Ang sarap tingnan ng mukha niya habang tulog. Lalo nat ramdam ko ang int ng kamay niya sa mga kamay ko. Tas ang amo amo pa ng mukha nito. Para bang hindi eto nagalit kanina. Nakatitig lang ako sa kaniya ng... "Staring is rude Vivi."
YOU ARE READING
The Secret Identity Of Mr. President
Storie d'amoreDave, the every girls dream for being smart, handsome, kind and talented is the Student Council President of Lincoln University, a prestigious school for rich teens. Genevieve, an orphan whose a student by day and waitress at night happen to witnes...