Chapter 9

9 3 0
                                    

Genevieve Pantio's P.O.V.

"Genevieve Pantio"

"Angelo..." Bigla kung nasambit. Hindi ko akalaing isang anghel ang makakasama ko sa araw na ito. Pinagpala yata ako.

"So Ms. Vice President." Ang ganda talaga ng ngiti ng lalaking ito. Pinagpala masyado. Pati ngiti perpektong perpekto.

"So Mr. Lincoln huh."

"Shall we?"

"We shall."

Akala ko ba anak to ng may ari ng paaralan eh bakit kailangan ko pa siyang e tour I assumed na alam niya na ang pasikot sikot dito. Anyway it's not my business anymore so I why bother. After all dapat nagpapasalamat pa ako dahil chance ko na tong makasama siya.

Una ko siyang dinala sa library since all the way lang naman ito.

"Thank you pala." Saad ko ng maalala ang nangyari nung Birthday ni Ara. Kung wala siya sigurado akong headline na ako ng Suns Inked(Lincoln U's school paper).

"No need to thank me." Saad niya atsaka ngumiti sa akin. Ayan na naman yang ngiting yan eh.

"So this is the library now?" Saad niya habang nagoobserbara sa paligid.

"Uhuh."

"Marami na talagang nag bago ano." I chuckled that left him a questionable look.

"As you can see, Im just a mere transferee so hindi ko talaga alam kung ano ang mga nagbago.

"You're right. But I was referring to the people." Saad niya at nag smile. Now Im the one who is left with an unquestionable look.

Di ko yata siya gets dun. What does he mean about the people?

"What do you mean?" Wow napapa english yata ako.

"Never mind. Forget what I've said." Tumango lamang ako. Hindi ko kasi siya kilalang kilala kaya hindi ko pa siya gaanong gets. Maybe later on ma gegets ko na rin siya.

Naikot na rin namin ang buong campus at saktong sakto gutom na kami at last stop namin is ang Cafeteria! Kaya foodieee here I come!

"Damn. Im starving. Now isa sa nagbago, mas lumaki talaga ang university since mom and dad keeps on buying the lands nearby. Kaya nakakapagod maglakad." Edi siya na mayaman na anak ng palaging bumibili ng lupa. Pero bahala sya ang gusto ko lang ngayon ay pakainin ang mga bulate ko sa tiyan.

"So anong gusto mong kainin? My treat for accompanying me."

Fact about me, hinding hindi ako tumatangi sa libre. Kaya sinugurado ko muna siya. Aba gutom ako at kung libre rin naman ang pag uusapan well di dapat yan hinihindian. Sabi nga nila, "masamang tangihan ang grasya."

"Sure ka?" Paninigurado ko. Umoo ka lang, magpapakabusog talaga ako sa libre mo. Pero hindi ako patagy gutom ha. Sadyang gutom lang talaga ako.

"Yep." Saad niya at ngumiti na naman.

Masaya rin palang kasama si Angelo. Nalaman kung pinsan pala siya ni Yhelen. Marami rin siyang naikuwento sa naging buhay niya sa Amerika at kasama na yung mga panahong nag-aaral pa siya rito. Hindi nga ako na bo-bored eh anrami kasi niyang baong kwento.

Nagtatawan kami ng biglang may humigit sa braso ko at hinila nalang ako nang basta basta. Hindi kaagad ako nakapag react kasi ang bilis bilis niya. Dinala niya ako sa parking lot at pinapasok sa kotse niya. Kaagad naman siyang pumasok sa kabilang side atsaka nagmaneho. Ang bilis-bilis nang pagmamaneho niya kaya nakadating kaagad kami sa isang condominium.

Nang makarating kami sa pad niya ay binitawan niya ako kaya napatingin kaagad ako sa braso ko baka pumula ito.

Tiningnan ko ng masama si Apostol dahil ang pula pula ng braso ko. Yep! Si Apostol ang walanghiyang nanghihila nalang bigla. Sa bilis ng pangyayari biglang nasa condo niya na kami agad.

The Secret Identity Of Mr. PresidentWhere stories live. Discover now