Chapter 3

26 3 0
                                    

Genivieve Pantio's P.O.V.

Ilang lingo ko na ring iniiwasan si gago. Akala siguro nito papahuli ako. Well goodluck sa kaniya kasi hindi ko talaga hahayaang mag krus ang mga landas namin.

Naputol ang pag-iisip ko ng magsalita ang prof ko. "Lets call this a day. Good bye class. And Ms. Pantio, Mr. Lim would like to see you in his office." Sabi ni Maam at kaagad itong lumabas. Bakit kaya ako pinatawag ni Mr. Lim.

"Waahh Geni!!! Pupunta ka ng Student Councils Office?!!" Saad ng kaklase ko. "Oo eh. Pinatawag ra..." di ko natapos ang sasabihin ko ng.. "Pwedeng isama mo ako? Lam mo na andun si Dave." Tas kinilig ang loka. Ganun ba sila ka hibang sa Manwhore na yun. And speaking of Manwhore tinakasan ko pala yun kanina matapos kong sipain ang WhereItHurtsTheMost niya. "Patay..." Iisa lang ang office ni Mr. Lim sa Student Councils Officer since siya yung adviser ng student Council. Teacher rin yun dito. Pero siya yung parang gumagabay sa mga desisyon ng Student Councils Officers. So may possibility na magkita kami ni Manwhore.

"Oy! Nakikinig ka ba?" Napabaling ako kay Tricia. "Ahh. Di ko alam baka pagalitan ako pag nagsama ako ng iba eh." Sabi ko "Arte nito!" Saad niya at nag martsa pa alis. Well ganyan talaga umakto ang mga brat.

Kumatok ako sa pinto pag dating ko sa SC's Office. "Pasok" narinig ko mula sa loob kaya pumasok na ka agad ako. Wow. Ang cool ng office nila. May sari-sarili silang cubicle na nasa left at right side pag pasok mo. So ang nasa gitna daanan lang. Ka agad kong nakita ang table ni Mr. Lim at kaagad lumapit dito. "Good afternoon Sir. Pinatawag niyo raw po ako." Magalang na saad ko. "Yes iha. May pag uusapan tayo." Kumakalabog ang dibdib ko sa sinabi ni Sir. "Ano po yun Sir?" Ka agad kong tanong. "Chill iha. Hintayin muna natin ang bang Officers."

Gusto kong kumalma pero di ko maiwasang kabahan. Ipapa abduct na ba ako? Dahil ba sa pagsipa ko kay Manwhore kanina? Diyos ko lord. Patawarin niyo po ako. Di ko po yun sinasad... Naputol ang pag dadasal ko ng biglang pumasok si Ryan.

"Mr. Lim, Dave is still in his last class. Simulan nalang po raw natin." Saad ni Ford. Siya ang Student Council's Treasurer. "Yes! Wala siya." Bulong ko sa sarili ko. "Yes Ms. Pantio?" Shit narinig ba nila? "Wala po Sir." Sagot ko at ngumiti tho its kind of awkward. Ang se-seryoso kasi ng mga officers at ni Sir. "Well then follow us." Tumango lamang ako at sumunod sa kanila.

Pumasok sila sa isang room na andito lang rin sa loob ng office nila. Pag pasok namin ay may long table at may white board sa dulo meron ring mga kung ano-anong nakasabit sa ding-ding na feel ko tungkol yun sa kung ano-anong oa echosan ng paaralang eto. "Ms. Pantio, please sit." Ka agad akong naman akong umupo.

So dito sila nag me-meeting. Ang gara naman.

"I assumed kilala mo na ang officers Ms. Pantio." Tumango ako at nagsalita. "Geni nalang po. Masyadong mahaba ang Ms. Pantio, mangangalay si Author sa pagsusulat ng pangalan ko."

"We promote the will of formalities here, Ms. Pantio."

"Oh sorry po Mr. Lim." Sheyt. Pahiya ako dun ah. "So as you can see wala ang Vice President ng.."

"Pati po ang President." Sagot ko halatang natatawa ang mga Officers at asar naman ang rumihestro sa mukha ni Sir. "The President is still in his class, Ms. Pant.."

"Alam ko po. Sinabi nga po ni Ford kanina diba."

"Are we sure na siya ang kukunin natin? Mr. Lim masyado po siyang pilosopo." Saad ni Blanche. Siya naman ang Auditor. Pero anong kukunin? Kukunin na ba nila ang lamang loob ko??

The Secret Identity Of Mr. PresidentWhere stories live. Discover now