Babaylan: Sistema ng Nayon

2.7K 50 0
                                    


Tatlong pinakamataas na sangay

Datu - ang pinuno ng nayon o balangay na galing sa uringmaharlika; tungkulin niyang pamunuan ang kanyang nasasakupan at siya rin angtagapagpatupad ng mga batas

   - Lakan sa Katagalugan

   - Datu sa Kabisayaan/Mindanao

   - Rajah sa Mindanao/Kabisayaan

   - Apo sa Agta (Aeta)

   - Babacnang sa Samtoy (Ilocos)

   - Mapalon sa Idjang (Batanes)

Punong Babaylan/Katalonan – isa sa mga namumuno sa isang nayon ngunit maliban sa datu at mahaharlika, na ang tungkulin ay manggamot, magbigay ng propesiya, tagapaghatid ng mensahe mula sa mga diyos at diyosa, at magbigay ng mungkahi na naaayon sa ikauunlad at maging ligtas ang nayon

Punong Panday – tagapangasiwa ng mga armas at sandata


Iba pang punong-abala sa nayon

Punong Mandirigma - pinuno ng mga mandirigma; dalubhasa sa lahat ng armas

Punong Kalakian - pinuno ng mga Kalakian (babaeng mandirigma)

Punong Pantas - tagabigay ng payo ukol sa mga pangangailangan ng nayon at ang tagapangasiwa ng mga taktika sa labanan

Umalahokan - tagahatid ng balita sa mga mamamayan

Binukot - ang pinakamagandang babae sa tribo, kadalasan ay prinsesa, na hindi maaaring ipakita sa mga tao, lalo na sa mga lalaki

Atubang - matatandang kasapi ng barangay na nagsisilbing tagapayo ng datu o lakan


Bahagdan ng mga mamamayan

Maharlika - pinakamataas na uri sa isang nayon kung saan nabibilang ang datu at mga pinakamayayaman na tao; hindi sila kabilang sa mga nagbabayad ng buwis at may kakayahan din silang magkaroon ng mga alipin

Timawa - gitnang uri; gaya ng mga mahaharlika ay malaya rin silang nabubuhay sa nayon; nabibilang din dito ang mga nakalayang alipin at ang mga anak sa ligaw ng mga datu o raja

Alipin - pinakamababang uri; uripon; tagapagsilbi ng mga timawa at mahaharlika; mayroong mga aliping nagmamay-ari ng kanilang sariling bahay at tinatawag silang aliping namamahay; aliping sagigilid naman ang tawag kung sila ay umaasa sa kanilang amo o pinagsisilbihan.

Bihag - mga mandirigmang natalo sa labanan at nahuli ng nanalong nayon


***

GuidebookWhere stories live. Discover now