Scene 3.

1 0 0
                                    


"Huy Zelle ano na? Nababangag ka dyan a." Hinihingal na si Psyche kakalakad sa kung saan saan. Siya kase ang Assistant Director.

At ako naman ang Director. Jusko day.

"E kase." Yan lang yung nasasagot ko sa kanya kahit kanina pa sya nagtatanong.

"Anak ka ng nanay at tatay mo Zelleng! Kanina ka pa 'E kase' ng 'e kase' dyan! Ano ba kaseng nangyayari?"

"Guys 5 minutes na lang, magsastart na. Paki-ayos na po ang props at costumes." Paalala sa amin ng isa sa mga emcee.

Haggard na ko sa dress ko hayst.

"Pabayaan mo na lang Psyche bebe. Tara na kase."

"Sira ka. Ikaw na lang iniintay namin kala mo ba." Shetness. Ako pa naman yung director, ako pa ang iniintay. Hayst.

Umakyat na kami sa stage. Naka pwesto na silang lahat, naka make up, lahat ng props naka set na, talagang ako na lang ang hinihintay.

Kahiya diba.

Pumwesto na ako dun sa gitna.

Lights, Camera, Action!

Nagbukas na ang kurtina.

Tinignan ko ng masama ang audience at lumkad ng dahan-dahan papunta sa harapan nila.

Tama, Zelle, tama. Gawin mo lang ang nakalagay sa script.

"Wala akong kasalanan ngunit ako ang inaakusahan at inaalayan ng bintang. Sino ba ako para mahal kong anak ay aking ipapaslang?!" Sigaw ko sa harapan nila.

"Sino ang may sala, sino ang may sala?!" Habang naglalakad yung ibang members para gawin yung susunod na tableau sa likod ay may humming ang mga ilang babae at lalaki sa amin.

Lumakad na si Psyche papunta sa direksyon ko at ginawa ang nasa script.

"Paano mo nagawa ang ibang klaseng kalupitan?! Ikaw na nagluwal sa iyong anak ay siya rin mismong naghatid sa kanya sa huling hantungan!" Grabe ang lakas ng boses ni Psyche kahit kelan.

"Sino ang may sala, sino ang may sala?!" Ang galing nila ngayon grabe. Naiiyak na ko dito na ewan.

Napatingin ako kay Denovan na nandoon sa may sulok.

Wait, what?

Bakit parang ang weird ng pakiramdam ko kapag tinitignan ko sya sa mata? Natutulala ako. Di ako makaiwas. Bakit ganito?

Nagagawa ko pa rin naman yung nasa script, lahat ng pinractice namin, pero hindi mawala sa isip ko yung tingin nya.

Nakamamatay.

-

Natapos na ang presentation. Papunta na kami sa backstage ng parang pakiramdam ko nahihilo na ako.

Ang weird ko. Kumain naman ako kanina.

Naupo muna ako sa sulok. Kanina pa ako napapansin ng mga kasama ko, pero wala pa rin. Ang gulo. Simula ng tinitigan ko sya, parang ang gulo na.

"Pagbabayaran mo itong lahat, Celestina."

"Hindi ka na makakawala pa."

"Ang kasalanan mo noon ay hindi mo matatakasan kahit kailan."

Marami na akong naririnig na mga boses. Hindi iyon pamilyar sa akin. Basta ang alam ko lang, anytime, parang mahuhulog ako. Hindi ko na alam.

"Clyzelle, anong nangyayari sayo?"

"Ate okay ka lang po ba?"

"Ate Zelle, kuhanan na ba kita ng tubig?"

"Zelle bebeh, kinakabahan ako sayo. Kuhanan na kita ng gamot wait. "

Hanggang sa naramdaman ko na lang na nawalan na ako ng malay at tuluyang napunta sa ibang mundo.

Sa mundong hindi ko alam kung ano ang meron doon.


No BarriersWhere stories live. Discover now