Nagising ako sa isang puting kwarto. Walang gamit, pero para akong nakaupo sa sofa dahil parang isang malaking unan ang sahig. Sobrang lambot.
"Clyzelle."
May tumawag sa akin. Si Denovan.
"Bakit ka nandito?"
"Ako ang guardian mo."
"Ha? Ano bang sinasabi mo? Ang gulo mo."
Nakaupo pa rin ako habang nakaharap sa kanya.
"Naniniwala ka ba sa second life, third life, tatlong beses na pagkabuhay ng iisang tao o nilalang?"
"Hmm, hindi e. Ang alam ko, kapag namatay ang isang tao, o kahit ano man, hindi na yun makakabalik pa. Kase nga wala na e."
"Edi anong tawag sayo?"
"Ha?"
"Kilala mo ba si Celestina Santa Rosa?"
Parang biglang kumirot ang puso ko ng narinig ko yung pangalan na iyon. Sumikip ang dibdib ko.
"Daniel Ruego, Ginoong Severino Santiago, kilala mo ba sila?"
Bawat pantig ng mga pangalang binanggit nya ay parang may latigong tumatama sa likod ko. Bakit ganito ang pakiramdam? Kakaiba. Wala namang rason para mangyari ito sa akin diba?
"S-sino ba sila? At ikaw? Sino.. ka ba.. talaga?"
"I am Denovan. Ako ay ang itinalagang mensahero ng Diyos."
"Ha? A-anong meron sa Diyos? Susunduin na ba ako?"
"Maling galaw mo lang ng hindi ko alam, ipapasundo ka na."
"Uy, wag ka naman manakot dyan."
"Seryoso ako."
Natahimik na lang ako bigla at nakinig ulit sa sinasabi nya.
"May mga bagay akong sasabihin. Noon ay nasasabihan ka ng ilang tao na 'perpekto' dahil sa hitsura at talento mo sa lahat ng bagay, tama?"
"O-oo, palagi nga e."
"Ni minsan ba ay nagtataka ka kung bakit ganon?"
"Wala, ni minsan hindi ko naisip na ganon."
"Kanina, may mga naririnig ka ba na boses?"
"Oo, bulong. Ang daming bulong. Narinig ko din yung 'Celestina'."
"Nais mo bang malaman kung sino si Celestina?"
"Oo, para kahit paano matahimik na ko dito. Kakaiba talaga kase ang pakiramdam kapag naririnig ko ang pangalan na yun e."
"Ikaw si Celestina. Sa unang buhay mo, ikaw si Celestina Santa Rosa. Ngayon, ikaw na si Clyzelle."
"Ano bang sinasabi mo? Parang ewan hayst."
Naguguluhan ako sa mga sinasabi nya. Ano bang problema nya? Nakadrugs ba sya? Nakainom? Ang daming sinasabinh kalokohan.
"Gusto mo talagang makita?"
"Oo. Sige lang, ipakita mo sa akin kung may katotohanan ba yang mga pinagsasasabi mo."
"Ipikit mo ang mga mata mo."
"Para saan?"
"Basta pumikit ka na lang, kulit naman."
Pumikit ako. Naramdaman ko na niyakap nya ako. Putres naman haaayst. Ano bang nahithit netong adik na to?
Nakakaurat.
Parang nagbago ang paligid. Biglang umingay. Parang nasa palengke.
"Buksan mo na mga mata mo."
Dumilat na ako at nagulat ako sa mga nakita. Yung puting damit ko kanina, naging gown. Parang ganito yung mga dress ng mga mayayamang Filipina noong Spanish times. Yung mga nag-asawa ng Espanyol? Mga ganon.
"Narito tayo ngayon sa Pilipinas, panahon ng mga Espanyol. Ngayo'y isa kang normal na nilalang na hindi nakikita ng mga tao. Ako lang ang makakakita sa iyo dito. Narito ka upang makita ang dating ikaw."
Naaapektuhan ba ng lugar yung pagsasalita nya? Sobrang classic.
Di ako sanay. Yung Denovan na kilala ko, arogante, moody, parang naka-shabu.
"Bat ganyan ka magsalita? Yung totoo, kelan ka ba ipinanganak?"
"Para dama mo yung scene." Sabi nya. Ano to? Sine? Telenovela? Drama? Play? Naiirita na ko na ewan sa pananalita nya. Parang di ko kilala yung kumakausap sa akin. "Tsaka di ako pinanganak. Mensahero, okay?"
"Paano ka naging mensahero e ansama mo nga e."
"Grabe naman to sa akin, parang walang ginawang kasalanan simula ng nabuhay oh."
"Tseh. Bait bait ko kaya."
Naglakad na kami sa labas. Tama nga. Nasa palengke kami.
"Bakit ganito na yung suot ko?"
"Pinapakiusap ko sa taas na papalitan yung damit mo bago ka mapunta dito. Kapag kase nagteteleport ako ng may kasama, yung kasama ko, nasusunugan ng damit. Gusto mo bang masunog yung sayo?" Kindat nya pa sa akin.
Paano ba to naging Mensahero? Ayoko nang maniwala. Hays.

YOU ARE READING
No Barriers
Novela JuvenilClyzelle Maurice San Pablo. Sexy, maganda, matalino, lahatin mo na. She looks so perfect from inside and out. Or is she? Enter Denovan Smythe. He may not seem to look like it, but he's something out of this world. Maybe literally. What could pos...