Natawa na lang ako sa sinabi nya. He's mine? Wtf. Di ako mahilig sa lalaki, I'm not really into guys. Masaya na ko sa company ng friends ko. Tapos ganito? Weird.
"Hahahaha! Ano bang sinasabi mo?"
"Nah. Pwede matulog?"
Ay, nababaliw na ba to? Jusko HAHAHAH. Taragisan. Ang daming alam. Dito sya matutulog?
Matulog sya sa sofa.
"Seryoso ka? Yung totoo, nag-aadik ka lang ba o ano?"
"Seryoso ako. Dito ako matutulog." Sabi nya. Seryoso ang mukha. Stiff. Stern. Ganon lang. Alam mo yun, yung pag late ka tas ansungit ng prof mo, tas tinitignan ka na nya ng masama. Parang ganun sya ngayon.
"Ngayon san ako matutulog?" Tanong nya sa akin bago tanggalin ang sapatos at nahiga sa kama ko. Malaki naman yung kama ko e, it's just that....
Kaya ko makipag share, hindi lang yung kama ko tsaka yung mamahalin kong lalaki. If ever.
So it's a no for me.
No.
Never.
Aish.
"Kapal neto. Magtatanong ka sa akin tapos hihiga ka dyan sa kama ko? Tayo oi tumayo ka dyan!" Hinila ko paa nya, kaso wala talaga. Bwisiiit.
"Hmmnf. Ano ba yun. You got no manners lady." Aba?! Ako pa talaga ha?
Ang kapal ng mukha neto, pramis.
Kala mo ampogi e.
Hayst.
"Dun ka na sa sofa. Wag sa kama ko. Anuba."
Kaso mukhang tulog na nga yung kinakausap ko. Haaaayst.
Humiga na lang ako sa other side ng kama. Bale ngayon magkaharap kami.
Ngayon ko lang napansin yung buong mukha nya. May eyebags na di ganun kahalata pag sa malayo, matangos ang ilong, plump ang lips, makinis, medyo matipuno, aaaat. Ang bango nya kahit parang ang haggard nya kanina.
Bat ganun?
San ba kase nanggaling tong hangal na to?
Kala mo naman nagtravel pa mula Mars e.
Walang spaceship.
Ganon.
Napatitig na lang ako sa mukha nya. Bakit ganun? Kala ko wala nang gantong kaamong mukha na nag eexist sa mundo.
Ang perfect nya.
Samahan mo pa ng kakaibang buhok. Mala- Harry Styles my labs.
Tas Moreno.
Pumikit na lang ako at tumalikod sa kanya.
Makakatulog na sana ako ng biglang may kamay akong naramdaman sa bewang ko.
At mabigat na binti na nakapatong sa binti ko.
Kaya ayoko talaga makipag share ng kama e. Aaish.
Bat ngayon paaaa. May play bukas oh. Not now pleaase.
Wala akong magawa kundi magtiis. Nahihiya ako na ewan, kahit kama ko to, syempre kase pagod naman yung tao diba.
Tsk. Pabayaan mo na nga. Ang bait ko kase e, sana tularan din ako nitong nakadantay sa akin.
Bukas babawian ko to.
Or sana di ko sya makita bukas.
Sana nga.
-
Nagising na ko, around 7 am. 9 pa naman ang play, tas ang calltime namin is 8:30.
Di na sya nakadantay sa akin, actually nasa floor sya ngayon e.
Wala, nahulog.
Hoy nahulog sya a. Pramis. Di ko sya tinulak.
Seryoso nga.
Pramis.
Soo tulog naman sya, edi maliligo na ko. Aayusin ko pa buhok ko.
Dumeretso na ako sa cr. Bago ko isara ang pinto, tumingin muna ako sa kanya.
Aish, perfection. Kainggit.
-
"I know I can treat you better than he can and any girl like you deserves a gentleman~"
"Clyzelle san yung peanut butter mo-"
Taragisan.
Nagkatinginan kami.
So sya, naka-jogger shorts at tsinelas. Eh kahapon naka suit pa sya with matching hat.
Bayaan nyo sya.
Tapos ako, tapis. Tumutulo tulo pa yung buhok ko na basa.
What the heck.
"Aaaaaaa!" Napasigaw kami parehas at tumakbo sa kung saan. Napabalik ako sa cr.
Taragis naman, ang ganda ng araw ko.

YOU ARE READING
No Barriers
Novela JuvenilClyzelle Maurice San Pablo. Sexy, maganda, matalino, lahatin mo na. She looks so perfect from inside and out. Or is she? Enter Denovan Smythe. He may not seem to look like it, but he's something out of this world. Maybe literally. What could pos...