Erich PoV
Bumabalik talaga ako sa aking pagiging tahimik kapag na aalala ko si Ate..
Naiinis talaga ako hanggang ngayon sa Justine na iyon..
*****Flashback********
Pagka dating namin sa classroom nandoon na Prof. namin at nag ququiz na ang mga classmate namin..Na unang pumasok si Justine sumunod ako at si Jazell naman ang huli..Uupo na sa ako ng biglang nagsalita ang Prof namin..
"Bakit ngayon lang kayo! Buti at naisipan nyo pang pumasok" nakataas kilay na tanong ng Prof namin.
"Sorry po Prof" sabay sabay naming sabi
"Sagutin nyo ang tanong ko bakit ngayon lang kayo?!" galit pa ring tanong nya samin
"ahh......-" sasagot sana ako ng magsalita bigla si justine
"Ma'am sorry nag date pa kasi kami ni Erich."pacool na singit ni justine dahilan upang maghiyawan ang aming mga kaklase samantalang gulat akong napatingin kay justine
"Ayyyyyiiiieeeeeeeee......"kinikilig na sabi ng aming mga kaklase
'Na babaliw na ba siya at sinabi niya iyon?'
Tumingin ako sa kanya at binigyan siya ng nag babantang tingin.. At ang antipatikong lalaking ito ay kinindatan lang ako..
"Oh, Well next time kung mag dadate kayo Mr. Reyes ang Ms. Fabia not in my time ok?"
"Yes..Ma'am"sabi ko samantalang si Justine naman ay natatawa
"Ok, Pwede na kayong umupo."sabi ni Ma'am kaya umupo na kami..
'Di man lang ba sila nag taka kung bakit kasama namin si Jazell o talagang wala silang paki kay Jazell..Tss..'
**End of flashback**
'Sa bagay wala naman akong sinabing huwag niyang sabihin sa mga kaklase namin.' sabi ng kabilang isip ko
Pero kahit na! Dapat gets niya na yun! Kainis talaga ang lalaking iyon
"Saan tayo pupunta Erich?"tanong sa akin ni Jazell
'Ay kasama ko papala siya, akala ko hangin lang ang kasama ko sa sobrang tahimik niya.'
Kanina pa kasi kami ikot ng ikot dito sa Mall.. Hindi ko sinabi ang dahilan kung bakit kami nasa Mall.. Nag text kasi sa akin si Marie sabi niya kita daw kami sa Mall, Miss na daw niya kasi ako..Kaya't naisipan kong isama itong si Jazell para ipakilala sa kanila, Baka kasi magtampo kapag nalaman niyang may new friend na ako..Katulad lang ng nangyari noong naging friend ko si Kyla.
"Erich, Ano na mag lalakad na lang ba tayo forever? Kahit walang forever.."
'Ay bitter, Mas bitter pa sa akin?'
"Teka lang naman.."sabi ko at pag lingon ko sa kaliwa nandoon na sila Kyla at Marie.. At ito namang si Marie na kataas na agad ang kilay papalapit sa amin.
"Ayan na pala sila oh"sabay turo kila Marie at Kyla
"Sino sila?"tanong ni Jazell
Sasagot na sana ako ng biglang nag salita si Marie
"Im Marie Nell Castra and this is Kyla Jane Clark.."pag papakilala niya sa sarili niya at kay Kyla
"Im Jazell Fe Aguas..."pag papakilala rin niya sa sarili niya
"Hindi namin tinatanong.."pabulong pero malakas niya pag kakasabi dahilan para mapahiya si Jazell
YOU ARE READING
Playful
Teen FictionSinong kadalasang nasasaktan sa break up? Babae ba o Lalaki? Kahit mag tanong tanong ka kahit kanino ang kadalasang sagot ay babae... But meet Erich Fabia the girl who never hurt in break up.. The girl who never been fell in love with her boyfriend..