Erich PoV
Pagkatapos naming mag pa salon.. Nag Cr kami ni Marie para mag retoch.
"Marie, hanapin natin sila Kyla at Jazell pag katapos natin dito."sabi ko
"Oo naman noh, Mamaya kung ano pang ginawa nong Jazell na yun kay Kyla."
Humarap ako sa kanya at hinawakan ang mag kabilang balikat niya para mag kaharap kami.
"Marie, Pwede bang maging mabait ka kay Jazell. Please?"pag papacute ko
"Aisst! Cge na nga pero susubukan ko lang, Ok?"
"Thank you!"sabi ko at sabay yakap sa kanya.
Mabait naman talaga si Marie, suplada nga lang.
"Halika ka na nga! Hanapin na natin yung dalawang yun"sabi nito at sabay hila sa akin
Pag kalabas namin sa Cr ay nakita namin agad sila Jazell at si Kyla na umiiyak.
'Ano kayang nangyari?'
Lumapit agad si Marie sa kanila kaya sumunod agad ako.
"Anong ginawa mo kay Kyla!?pagbibintang agad na tanong ni Marie kay Jazell
"Wala akong ginawa sa kanya."mahinahong sagot naman ni Jazell
"Eh bakit siya umiiyak, ikaw lang naman ang kasama niya ah!?"-Marie
Hinawakan ko sa balikat si Marie para pakalmahin"Hayaan mo muna siyang mag paliwanag kung bakit umiiyak si Kyla."pag papa kalma ko kay Marie
"Pag katapos namin nangaling sa Bookstore, ay may na bungo si Kyla na babae, hindi ako sigurado kong Carla ang name nong babae.Mag so-sorry na sana si Kyla pero hindi niya na ituloy ng makita niya kung sino iyon, Pag katapos may mga masasakit na salita na sinabe yung Carla, kaya sinugod agad siya ni Kyla at sinabunutan. Sinubukan kong umawat, pero sabi ni Kyla huwag daw akong mangialam, At pag katapos non biglang may lalaking humila sa braso ni Kyla at sinampal siya, doon na umiyak si Kyla at tumakbo palayo."pag papaliwanag nito kung bakit nadatnan naming umiiyak si Kyla
"Lakas rin nang topak ng lalaking yun ah! Siya pa talaga ang may ganang manampal! T*ng *na kapag nag kita kami ng lalaking yun sasapakin ko yun!" gigil na gigil na sabi ni Marie
"Marie, relax ok?"pag papa kalma ko ulit sa kanya"Mabuti pa at umuwi na lang tayo, Wag ka ng umiyak Kyla he doesn't deserve your tears."sabi ko
"Thank you guys, Pangako hindi na ako iiyak ulit dahil lang sa lalaking iyon."nakangiti na nitong sabi
Mabilis na tapos ang Pangatlong araw ko sa NIHS. Masasabi ko na ring masaya, pero mas masaya lang talaga kapag kasama ko sila Kyla at Marie lalo na't nadagdagan kami ngayon.
******Thursday*******
Jason Po'V
Hello, Im Jason Funtalles ang lalaking mag papatibok sa iyong puso. Kaibigan ako ni Justine
Maaga akong pumasok ngayon. Dahil sinermonan nanaman ako ng Lola ko, Wala daw akong ginawa kundi mang babae, kasalanan ko ba kong gwapo ang apo niya.
Pag pasok ko ng Campus , Napatingin ako sa isang babaeng maputi, maganda at sexy. Kaya lumapit ako sa kanya.
"Low Miss, Camera kaba?"tanong ko dahilan para mapatingin siya sa akin.
"Excuse me, mukha ba akong camera?!"inis na tanong nito
'What the hell? Hindi ba niya na gets?'
"Miss , tanong mo na lang kung bakit."
"Why?"
YOU ARE READING
Playful
Teen FictionSinong kadalasang nasasaktan sa break up? Babae ba o Lalaki? Kahit mag tanong tanong ka kahit kanino ang kadalasang sagot ay babae... But meet Erich Fabia the girl who never hurt in break up.. The girl who never been fell in love with her boyfriend..