Chapter 8

14 1 0
                                    

Erich PoV

"Seriously Park talaga?"natatawa kong tanong.

Aaminin kong kinilig ako kanina ng mag sorry siya sa akin. Pero mas kinilig ako ng sabihin niya 'We we're going to our official date'. Normal lang sigurong kiligin ako diba? Boyfriend ko parin siya kahit walang ligawang nanyari. Boyfriend ko siya kaya may karapatan akong kiligin, maging masaya kapag kasama siya, sumipot sa mga date namin at mag selos kapag may kasama siyang iba.

Wala naman sigurong masama doon, hindi ba?

"Bakit? Maganda naman dito sa park ah?"patay malisya niyang tanong

"Well, ikaw kauna unahang boyfriend kong nag dala sa akin sa park." Totoo ang sinasabi ko. Sa dami dami ng naging boyfriend ko siya pa lang ang nag dala sa akin dito sa park.

"Sige lang. Ipag yabang mo pa yang mga ex mo."naka simangut nitong sabi. Hahaha ang cute..

"Ito naman nag seselos agad. Past na yun ikaw na ang present pero siyempre hindi ikaw yung future." nang aasar kong sabi

"Hindi ako nag seselos! At sino namang nag sabing hindi ako ang future mo?" masyado naman siyang defensive..hahaha

"Ako?"

"Pwes! Mali ka, kasi hindi ako papayag na hangang present lang at mas hindi ako papayag na mapunta sa past mo. Kasi gusto ako lang ang FUTURE mo."

"Whatever."sabay irap ko sakanya na ikinatawa niya"Ang corny mo naman Justine. Hulaan ko, ako ang first girlfriend mo no?" nag tutukso kong tanong.

Hindi siya maka sagot. At ngayon gusto kong tumawa ng malakas dahil pulang pula ang mukha niya.

"OMG! Wala ka pang nagiging girlfriend maliban sa akin!?" kunyaring gulat na gulat kong tanong  pero sa totoo lang alam ko naman na ako ang first girlfriend niya. Dahil wala naman akong nabalitaan na naging ex niya.

"Wag ka ngang maingay!" Hala! Na badtrip ko atah siya ng sobra. Nauna na siyang mag lakad na para bang walang kasama.

"So, Ako talaga first gf mo? At ako rin ang first kiss mo!? Kaya ba hinalikan mo ako kahapon kasi ako ang first girlfriend mo?" hindi niya pinansin ang tanong ko, patuloy parin siyang nag lalakad.

"Alam mo ba, Justine. Yung mga ex ko kapag nag dadate kami dinadala nila ako sa mamahaling restaurant o di kaya sa Mall. At inaakbayan nila ako.ng ganito!" tinalon ko siya para sana maakbayan. Kaso masyado siyang matangkad kaya ang resulta nahulog kaming dalawa.

Napapikit ako ng mag kadikit ang mukha namin. OMG! Ano ba itong ginawa ko!? Nakakahiya! Kailan pa ako naging ganito ka kulit sa mga naka date ko?

Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko. Mga mata niyang medyo singkit ang una kong nakita. Bumaba ang tingin ko sa kanyang matangos na ilong at mapupulang labi na masarap halikan.

Napansin kong naka tingin siya sa labi ko. Hindi ko alam kong anong pumasok sa utak ko pero inilapit ko ang labi ko sa labi niya.

Pagka lapat at pag kalapat ng mga labi namin ay may naramdaman akong parang kuryente? I don't know kung ano yun.

Siya ang first kiss ko at siya rin ang second kiss ko ngayon. Sa maniwala't hindi kayo. Nung hinalikan niya ako sa labi sa classroom that was my first kiss. Kahit marami akong naging ex walang nag tangkang halikan ako ni isa sa kanila.

"Anong ginagawa nila, Kuya Milo?"

"Nag kikiss sila, Mila. Ganyan ang ginagawa ng ate ko at ng boyfriend niya." rinig ko sabi ng boses bata...

Teka!?

Bata!??

Mabilis kong itinulak si Justine. At tumayo pinagpag ko ang suot kong palda. Sh*t! Nasa public place pala kami! At may naka kita pa sa ginawa namin. At talagang mga bata pa.

"Kiss? Sila Nanay at Tatay nakita ko rin sila nag ki-kiss dati!" masiglang sabi ng batang babae

"Ahmm... Hi kids" alanganin kong bati sakanila

"Hello po! Ako po si Milo at siya po si Mila!" 

"Ate anong pangalan mo po? At bakit po kayo nag kiss ni Kuya?"inosenteng tanong ni Mila

Siniko ko si Justine at binigyan ng tingin na Ikaw ang mag explain.

"Siya si Ate Erich niyo at ako naman si Kuya Justine niyo... At kaya kami-- ano kasi-- ano-- kaya ano." tiningnan ko sila Mila at Milo na litong lito sa mga pinag sasabi ni Justine. Ano bang sinasabi niya ano!?

"Ano pong ano?"

"Kasi---" mag eexplain sana ako ng unahan ako ni Justine.

"Nag kiss kami ni Ate Erich niyo kasi love namin ang isa't isa." napatingin ako kay Justine na ngayon ay nakatingin rin pala sa akin.

Love? Noong bata ako palang ako, mga 4 years old palang atah ako noon. Yung buhay pa sila Mama ay palagi niya akong kinukwentuhan sa love story nila Papa. Kung paano sila nag kakilala at kung paano nila minahal ang isa't isa.

Ng mamatay naman sila Mama. Si Ate ko naman ngayon ang palaging nag kwekwento ng love story nila ng lalaking minamahal niya. Sa mga panahon yun naniniwala akong totoo ang pag-ibig. At hindi rin ako makapag hintay na maranasang ma inlove tulad nila Mama at Ate.

Pero nawala lahat yun. Ng masaksian ko kung gaano ka miserable ang naging buhay ni Ate ng masaktan siya ng dahil sa lintek na pag ibig na yan. Araw araw kong nakikitang lumuluha si Ate. Nakita ko rin kung paano siya sinaktan at iwan ng lalaking pinaka mamahal niya.

Simula noon, ayaw at takot na akong mag mahal baka kasi magaya ko si Ate at maranasan ko rin ang narasan ni Ate. Kaya para sa akin, love is a nightmare na ayaw mong maranasan kahit kailan.

"I need to go." paalam ko at mabilis na tumakbo paalis sa park.

Ayaw ko itong nararamdaman ko. Alam ko parang may iba tuwing nakikita at nakakasama ko si Justine. Kaylangan kong pigilan ang nararamdaman ko habang maaga pa. At baka sa huli masaktan lang ako.

I tangi ko man o hindi akam kong iba na itong nararamdaman ko. Three days ko palang siyang nakikilala pero parang kilalang kilala ko na siya. I hate this feeling.

Cau'ze Im Erich Fabia the girl will never fell in love with her boyfriends.

Don't forget to vote and comment. Thank you for reading😊😊

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 20, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PlayfulWhere stories live. Discover now