Apple And The Twin Stars

86 3 1
                                    

Introduction:

Naranasan niyo na bang magkagusto sa taong iisa ang itsura pero dalawa ang mukha? Well, kung ang iba sa inyo hindi pa, ako naranasan ko na. Nalilito ba kayo? Ako din eh, litong-lito.

Paano pipili ang puso sa kambal na puso? Iisa ang mukha pero dalawa ang katawan- in short, kambal? Paano nangyari iyon? Halikayo at alamin kung paano ko malalampasan ang matinding pagsubok na ito sa lovelife ko. Siguro kikiligin din kayo at magkakagusto din sa kambal na ubod ng gwapo at cute, telented pa.

Ako pala si Apple Ohasay, nakatira sa Cebu City, highschool graduate at working na, wala kasing pampa-aral eh. Katamtaman lang kasi ang status ng buhay namin kaya kailangan unahin muna ang pamilya bago ang sarili, pero okay lang iyon at least mapayapa at tahimik ang buhay namin. Pito kaming magkakapatid kaya masaya dahil the more the merrier sabi ni papa.

Naku echos lang iyon, gusto niya lang lagi nakakashoot, haha pasintabi sa mga kumakain habang nagbabasa. Iniimagine ko palang ang mga small family gatherings namin napapasmile nako, pero biglang sumimangot ang mukha ko nang maalala ko ang elementary crush ko, na si Stephen Boiser, astig ng pangalan no. Naku kapag nakita niyo pa siya lalo kayo’ng maastigan sa sobrang cute nito. 7 years old palang ang dami ng nagkakagusto, eh kasi ang bait pa, naging magkaibigan nga kami eh. Kaso ang kinaiinisan ko, ay yung ginawa kong pagamin sakanya na gusto ko siya nung mga 14 years old kami, teenage stage. Simula no’n lagi niya nakong tinataboy at iniiwasan sumuko lang ako sa pagsunod sakanya nung sinagawan niya ko. Ayoko kasi sa lahat ang sinisigawan ako at hinuhusgahan. Sabi niya may kapatid siya pero wala naman akong nakitang sumunod sakanya sa pag-aaral kahit nung nag-graduate kami.

Speaking of graduation. Araw ng graduation nang isumpa ko ang kagwapuhan niya, siya kasi ang valedictorian kaya siya yung nagspeech. Hindi ko makakalimutan ang araw na iyon.

Apple And The Twin StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon