Unedited!
Apple and the Twin Stars- CHAPTER 3- Samuel?
‘Si Mama, na-commatose’ Ang mga salitanggumising sakin, at sa pag-gising ko puro puti ang nakikita ko at medyo malabo ang paningin ko.
Nasa heaven naba ako? Sa langit naba ‘to? Naku, naunahan ko pa ata si mama? Pero okay lang basta wag lang siyang isusunod ni Lord. Mahirap na eh. Kita niyo, napunta ako sa heaven dahil mabait na bata ako.
Hay... oo nga pala! Yung trabaho ko, naku baka hanapin ako ni Sir Raymond. Paano ko masasabi sakanya na nasa heaven na’ko? At paano ako makakababa ulit sa mundo para makapagpaalam man lang ako sa mga mahal ko sa buhay? Magpaparamdam, paano? Hay naku! Sumasakit ulo ko ah. Hinimas-himas ko ang noo ko at kumurap ng maraming beses. Nasan ba si Lord? O kaya naman si Pedro para matanong ko kung panu mag teleport sa earth, kaso they’re nowhere to be found eh.
Hala! Nakakapag-english ako sa heaven, ang galing.
“Miss? Sumasakit ba ulo mo?” Isang boses na parang nanggaling sa isang sulok, boses babae eh Isa ba’to sa mga anghel?
Makasagot nga baka alam niya kung saan si Lord okaya si Pedro. “Oo eh, nakita mo ba si Lord? O kaya naman si Pedro? Kung alam kung nasaan sila... pakitawag naman oh.” Ang sabi ko kahit diko siya nakikita. Nakatitig lang ako sa puting kisame.
“Lord? Pedro? Ano sinasabi mo miss?” Tanong nung boses.
Hindi niya ba kilala si Lord at si Pedro? Ah baka si Abraham kilala niya.
“Si Abraham nalang.” Ang sagot kong muli.
Narinig ko siyang humagikgik. She finds my misery amusing? Akala ko ba anghel siya?
“Miss! Malakas nga siguro ang impact ng pagkatama ng ulo mo. Teka lang tawagin ko doctor baka may damage ang brain cells mo.” Ang sagot niya. Biglang tumingin ako nasa paligid at nagcause ng friction sa leeg ko sa lakas ng paglingon ko.
Huh? Nasa ospital pala ako. Yung babaeng nurse na kumausap sa’kin nasa gilid ko pala naghihintay may hawak na clipboard. Nakatalikod na siya at paalis. Nagmukha akong tanga! (boompanes!) na buhay ‘to.
“Aling nurse! Teka lang po.” Tinawag ko siya at lumingon naman siya.
“Ano Miss? Natauhan naba yung ulo mo? Naalimpungatan ka lang siguro.” Anag sabi niya. Napakunot ang noo ko.
“Wala pong tama ulo ko aling nurse. Ba’t nandito po ako?” Tanong ko.
Humarap na siya at lumapit sa’kin. “Dinala ka ni Mr. Boiser dito, nawalan ka raw ng malay sa daan. Natatandaan muba ang nangyari bago iyon?” Tanong niya sa’kin.
Natahimik ako at nag-isip. Nirecall ko lahat mula nang magising ako, tinapik ko si Kassie, naligo ako habang sila Kath at Kassie nagbabangayan at pagkatapos pumasok na ako ng trabaho; may pumasok na customer- Si Stephen Boiser ang anak ni satanas- at sinira niya tinda namin at pinalitan naman ng mabait na boss namin- na kaya naman pala niya ginawa eh dahil suki nila si Boiser- at pinalinis sakin yung bubog, nasugatan ako pagkatapos ginamot ni Sir gwapo- kinikilig ako at big namang nag-ring ang phone ko, si kuya pala tumawag at binalita ang hindi ko inakala.
‘Si mama nastroke at dahil sa impact ng pagkabagsak niya, nacommatose siya’ Iyon ang tumumbad sa linya ng mga memorya ko. At dahil don bigla akong napatayo at lumundag mula sa hospital-bed. Hindi ko na inalintana ang sakit sa bumbunan ko. Hinanap ko ang mga sapatos ko sa mga posibleng pinaglagyan ni’to.
“Teka lang po Miss. Hindi pa po kayo pwedeng tumayo. Maupo muna kayo at titignan natin yung kalagayan niyo.” Napatigil ako at tumingin sa nurse.