Apple And The Twin Stars- CHAPTER 1

36 3 0
                                    

Chapter 1- Unforgettable Graduation day

"Apple anak suotin muna ang toga mo." Ang sigaw ni mama sa akin habang ako naman hirap na masuot ang dress ko. Ano ba naman 'to ang sikip, paano 'to nasuot ni tita nung graduation niya eh mas mataba pa siya sakin. Di bale na kakasya padin 'to.

"Ano ba pol? Ang tagal mo naman diyan sa kwarto, may ginagawa kana atang milagro ha?" Hiyaw nang kuya ko na nasa labas ng pinto. Milagro? nagpapatawa ba siya? masagot nga.

"Aba'y meron, nakikipag-talik sa damit ko." Ang sagot ko, narinig ko siyang nagrelamo tungkol sa kabaliwan ko at tsaka na niya ako tinantanan. Ha! Siya din pala ang susuko, kala niya ha. Hay! Sa wakas nasuot ko narin itong masikip na damit na'to, oras na para sa lip gloss at polbo. Hindi kasi ako mahilig sa make-up, madali akong mairita.

Pagkatapos kong mag-ayos, sinuot ko na ang toga ko na hawak kanina ni mama, nginitian ko siya at nagpasalamat. Hinimas niya ang mga mata niya nang nagspeech ako ng pasasalamat, akala ko umiiyak siya pero nagkamali ako. Naiinis pala siya, sabay batok sakin.

"Saan punta mo?" Sersoyosong tanong niya sakin, natawa ako.

"Ma, nakatoga ako diba? Alangan naman sa birthday party" Pilosopong sagot ko. Umirap siya at binatukan ako ulit. "Aray ma!" ang hinaing ko tska ko hinimas ang parte na masakit.

"Nabubuwang kana, sa mukha mung yan maraming mag-iisip na sa kabaong mo ang punta mo. Mag make-up ka nga, pati tsongo matu-turn off sa'yo niyan eh." Reklamo niya. Hay naku, alam ko na dapat kong gawin, binata na ako.

"Ma! Ayoko ng make-up!!!" Sagot ko tsaka ko siya iniwan. Nakakainis kasi eh, lagi nalang niya akong pinakikialaman. Tsaka this past few days ang hinahanap na katangian ng mga lalake sa babae ay yung simpleng kagandahan at yung natural hindi yung natatakpan ng cosmetics at retokada ang kung ano.

Paglabas ko ng bahay tumawag agad ako ng trike sumakay na'ko tsaka sinabi kay manong ang destinasyon ko. Wala pang isang oras nasa tapat nakami ng school gate namin na feeling sosyal. Buti na lang aalis na ako dito, matatapos na mga mapapait kong araw.

Hihi, mukhang sa tono ko, mawawala na ako dito sa mundo, oh napaisip ka akala mo ka-uri ako ni Matteo Do?- haha hindi noh (but I love the idea) lilisanin ko lang naman ang mga memories ko dito, sana...

Lalo na nung second year high school,  yung year na nagtapat ako sakanya. Pero alam niyo bago yung araw na magconfess ako? Nag-iba siya, yung buhok niya golden brown na tapos laging diretso tingin niya, di na siya marunong ngumiti; at ang malala pa do'n eh yung araw na nagtapat ako hindi na niya ako kilala...

~~Flashback~~

[Sophomore Year]

Kinakabahan talaga ako, ano kaya? Wag ko nalang kayang sabihin?

Kasalukuyan akong nakaupo sa bench sa may likuran ng puno, sa tabi ng canteen, alam kong dito ang punta niya pagkatapos niyang bumili, dito siya laging kumakain, ayaw niya kasing naiistorbo kapag kumakain: madalas ko nga siyang sabayan at nagkukwentuhan kami tungkol sa kapatid niyang may sakit. Kung hindi ako nagkakamali pangalan ng kapatid niya Samuel. Hindi ko pa iyon nakikita pero I'm sure na gwapo din siya gaya ni Stephen.

'Bakit ba ang tagal niya?' Ang sabi ko sa isip ko habang lumingon-lingon sa paligid at tumingin sa pinto ng canteen. Maya-maya ay may lumabas na binatilyo na may hawak na dalawang fruitjuice at burger, para saming dalawa ba iyon? Hay naku, mukang may magtatapat din sakin ngayon, kinikilig tuloy ako. Ngumiti ako ng malaki at humakbang palapit sakanya ng may maputing babae na lumapit sakanya kaya napatigil ako, nasa harap sila ng puno at ako nagtago sa likod at nakinig sa usapan nila.

Apple And The Twin StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon