Chapter 2: The Worst Encounter
Wow, mataas ang sikat ng araw ngayon, mukhang sa liwanag palang ng araw eh maganda na ang parating. Kasalukuyan akong nasa apartment ngayon, lumuwas kasi ako ng maynila para makapagtrabaho. Isa nakong cashier sa isang convinience store ngayon dito sa maynila, kasama ko si Kath- yung highschool friend ko- at ang isa ko pang katrabaho na si Kassie, share kami sa apartment. Bawat sweldo ko pinapadala ko sa mga pamilya ko sa cebu. Pagkagraduate ko ng high school nagtraining ako ng computer science dito sa manila; afterwards, nag-apply ako bilang cashier at sa awa ng diyos eh tinanggap ako agad. Mababa lang ang sweldo pero okay na, at least nakakatulong ako sa kuya ko at sa mama ko, napapa-aral din namin yung mga nakababata kong kapatid.
Dalawa't kalahating taon na ako dito at marami narin akong kilala at naging barkada pero tanging ang mga taong close ko lang ang pinagkakatiwalaan ko...
[It's 7:30 A.M]
Naku... tumunog na ang alarm clock ko. Oras na pala!
Sa kasamaang palad ang shift ko umaga, tapos si Kath naman hapon ang kawawa si Kassie dahil panggabi siya. Hay naku, makapagbihis nanga. Tumayo na ako sa double deck na kama atsaka tinapik si Kassi sa legs niyang nakatihaya sa dulo ng kama konti nalang mahuhulog na siya. Ito talaga parang mantika kung matulog, wala man lang pakiramdam, ni hindi man lang nagreact sa malakas kong tapik. Inulit-ulit ko hanggang sa napatalon siya at nahulog sa kama.
'BAM!'
Aray ko? Sakit ata non.
"Ano ba? Humapdi na kamay ko sa kakatapik sayo ah." Reklamo ko habang pinipigil ang tawa ko. Nakakatawa posisyon niya ah, para siyang palaka na nasagasaan. Hindi ko na kayang pigilan pa at napatawa na ako ng malakas at pati si Kath nagising. Patay!
Si Kath nagising! Ang bungangerang Mulfecent huhuhu T.T Sibat nako dito! Nagmadali kong kinuha ang twalya at mga damit ko tsaka na ako pumasok sa banyo tsaka sinara ang pinto sabay lock dito. Maya-maya lang nag-umpisa na ang bangayan nina Kath at Kassie nang dahil sakin. Napahagikgik ako sa tawa.
~~~~~~~~~~~
"GoodMorning Sir, Welcome to ***" Ang bati ko sa pumasok na customer habang nakatingin ako sa computer screen. Bakit ko alam na may pumasok? Narinig ko si Manong guard bumati sabay nun ang tunog ng pinto na bumukas.
Pinagpatuloy ko ang pagtingin sa screen habang naghihintay ng customer, mayroon kasi akong tinatapos na report eh bukas na ipapass. Naghintay ako ng ilang minuto para sa customer na bumili, kasi dapat dalhin muna dito Ipapunch ko pa ang Item tsaka babayaran.
Abay syempre dapat bayaran nu! Ano siya, masilip ko nga. Wala panamang nagbabantay dito sa loob. Ngunit sa kasamaang palad bago ako tumingin may narinig na akong boses na napaka-familiar medyo naging malalim lang ang boses pero alam ko siya 'to.
"Ano ba miss, tititig ka nalang ba sa computer sa harap mo, baka magpalit kayo ng mukha niyan, yung computer yung cashier tapos Ikaw yung counter." Pamimilosopo nito. Siya 'to hindi ako pwedeng magkamali.
Gusto ko siyang suntukin, sapakin lahat na ng pambubugbog sa mga oras na'to at ang masaklap don hindi ko magawa dahil customer siya, baka masesante pa ako. Humarap ako sakanya ng may lakas ng loob at nagpumilit na ngumiti pero parang nagmukha pa akong tanga na napatae sa pants.
"I'm sorry Sir." Pilit na apologoze ko.
Ngumisi siya at hindi ko maiwasang tumitig sakanya. Bakit ba ang gwapo lalong gwumapo? Hindi ba pwedeng ang gwapo pumanget tapos ang panget gwumapo? Sana ganun.