May mag asawang bampira ang tahimik na naririhan sa bundok ng Transvilla. Ang mag-asawang ito ay ilan lamang sa mga nakaligtas na mga bampira mula sa paghahari ni Prangko. Ang mag-asawang ito ay nagkaroon ng isang malusog na sanggol na lalaki. Pinangalanan nila itong Zack . Si Zack ay pinalaki sa pagmamahal ng kanyang mga magulang.
Nautasan si Zack na pumunta sa bayan upang bumili ng buhay na hayop para sa pagsalubong nila sa kabilugan ng pulang buwan sa susunod na buwan.
Gabi na ng makabalik si Zack mula sa bayan. Sa hindi inaasahang pagkakataon may mga kampon ni Prangko ang sumalubong sa kanyang daraanan. Tatlong halimaw ang biglang sumugod sa kanya, inatake at tila sabik na sabik patayin sya. Nanlaban si Zack ngunit napuruhan si ng biglang makalmot ito ng matatalim na kuko ng halimaw. Buti na lamang ay biglang dumating ang kanyang ama upang iligtas ito. Naka takas ang mag-ama mula sa mga halimaw. Agad na ginamot ang mga sugat ni Zack ng kanyang ina . " Kailangan natin turuan ang ating anak sa pakikipaglaban " Wika ng ina nito sa ama". Nang lubusan ng gumaling si Zack ay agad itong sumabak sa matinding pagsasanay upang gumaling sa pakikipaglaban at mailabas pa ang mga likas na kapagyarihan ng isang bampira.
Nalalapit na ang kabilugan ng pulang buwan. Mas lalong tumindi ang mga pagsasanay nito. Sa kabila nito ay patuloy pa din si Prangko sa kanyang kabuktutan...