Sa bayan

3 0 0
                                    

Inusan ng halimaw na si Prangko ang kanyang mga alagad na maghasik ng lagim sa bayan ng Transvilla, inutos din nito na ubusin ang mga natitirang bampira dito.

Marami ang namatay sa pagsugod ng kampon ni Prangko. Mga pugot na ulo at wakwak ang mga katawan ng mga tao. Kasalukuyan namang nasa bayan si Zack upang ng pagkain. Nakita nya ang kaganapan sa bayan. Agad siyang nagkubli upang hindi makita ng mga halimaw.

*Zack's POV

Ako ay inutusan ng aking mga magulang na pumunta sa bayan upang bumili ng mga pagkain. Hindi ko inaasan ang aking nadatnan. Naghasik ng kaguluhan ang kampon ni Prangko. Agad akong nagkubli at iniisip ang hakbang na aking gagawin.

*end of Zack's POV

Isang babae ang pilit na tumatakbo papalayo mula sa pag-atake dito ng halimaw. Ang babae ay naabutan , akmang kakagatin na ito ng bilang may tumusok sa likod ng halimaw. Bumagsak ang halimaw sa lupa at biglang naglaho na parang abo.
Nagpasalamat ang babae sa nagligtas dito. "Ako nga pala si Annica" pagpapakilala ng babae. Akma sana nitong tatanungin ang pangalan ng lalaki ay biglang nawala ito agad.

*annica's POV

Habang ako ay naglalako ng kakanin sa bayan ay hindi ko inaasahan ang paglusob at panghahasik nanaman ng lagim ng mga halimaw. Agad akong tumakbo ngunit nakita ako ng mga ito. Hinabol ako at naabutan. Muntik nakong mapatay ngunit may isang misteryosong lalaki ang lumupig sa mga halimaw. Sino kaya ito ? Tanong ko sa sarili. Matangkad siya , gwapo at may magandang pangangatawan. Sana ay muli kaming magkita upang makilala ko sya, noong panahong iyon ay may takip ang kanyang muka ng maskara.

*end of annica's POV

Hinarap ng misteryosong lalaki ang mga halimaw, nilupig niya ang mga ito. Ang ibang ay mga nakatakas.

*Zack's POV

May nakita akong maskara mula sa aking pinagkukublihan, agad ko itong pinulot at isinuot. May nakita akong babae na hinahabol at akmang papatayin na ito mula sa harap ng aking pinagkukublihan. Agad akong sumaklolo at nailigtas ang babae. Ramdam ko ang kakaibang lakas ng aking sarili. Hinarap ko ang iba pang mga halimaw at ito'y aking nalupig.

*end of Zack's POV
...

The Vampire Hero Where stories live. Discover now