<Lance POV:>
School:
"Ganda san room mo?". Tanong ko habang nginingitian yung mga babaeng nakangiti sa akin at kumakaway.
Hay!.. iba na talaga pag gwapo hindi kapa nagsasalita andami na kaagad nahuhumaling sayo. At andami din nagkakandarapa sayo.
"Malamang hindi ko pa alam first day of school remember. Tara samahan mo kong hanapin yung room ko tapos sayo naman". Mataray niyang sabi habang nakataas pa yung kanang kilay.
Hehehhhh!!... siguro nagseselos tong ganda na to, kasi kanina pa yung mga babae na nagpapacute sa akin. Hehhehhehhhh............. nakakatuwa naman.
"Tsaka nga pala tigil tigilan mo yang pagkaway kaway at pag ngiti ngiti mo jan mukha kang tanga." Inis niyang sabi at naglakad na paalis. *Insert smirk* At talagang inemphasize pa talaga ni ganda yung tanga hah!!.... Hahahahh... selos mode lang.
I chuckle "Sungit mo naman selos ka lang eh!". Sabi ko ng mahina. Heheheh!!.... ang cute niya talaga pag nagseselos kahit kailan.
"Grabe pakiramdam ko artista ako sa dami ng babaeng kumakaway sakin." Sabi ko habang sinasabayan siya lumakad. Hindi ko talaga mapigilang mapa ngiti dahil halatang halata sa mukha niya na nagseselos siya hehehh... ang cute.
"Oh! edi ikaw na. Tara na". Sigaw niya sa akin..
"Uy! intayin mo ko ganda!.. ganda!.." Sigaw ko sa kanya. Bigla kasing tumalikod at naglakad ng mabilis paalis akala ko ba sabay kami, talaga tong si ganda may saltik din minsan ai!. Heheh! selos lang kasi.
"Hinaan mo nga yang boses mo nakakahiya ang dami daming tao oh!". Bulong niya sa akin nung naabutan ko na siya lumakad at agad ko siya inakbayan.
"Hehhh! ikaw kasi eh! iniwan mo ko. Sabi mo sabay tayo tapos bigla mo na lang akong iniwan". Sabay pout ko."Bat nga pala tayo huminto?". Tanong ko sa kanya.
"Dito na yung room ko". Sabay turo niya ng room na sinasabi niya. "Tara yung room mo naman yung hanapin natin". Aya niya sa akin. Sayang andito na pala kami sa tapat ng room niya gusto ko pa sanang akbayan siya eh! kaso andito na kami.
I sigh buhay.....
"Ah! h-hindi na ako na lang". Sabi ko.
Ako na lang maghahanap ng room ko, napansin ko kasi na andaming nakatingin na lalaki kay ganda eh!. Baka hindi ako makapagpigil makasapak ako ng wala sa oras dahil sa mga tingin nila.
Oo alam kong maganda talaga si ganda kaya nga ganda yung tawag ko sa kanya diba. At alam ko din na kahit saan mo siya ihanay mapapansin mo siya kaagad kasi stunning yung ganda niya. Mabait pa at matalino kaya nga mahal ko toh! eh! kahit na may pagka saltik minsan heehhh!...
"Bakit?". Tanong niya sa akin habang nakataas yung isang kilay. Heehhhh!... nakakatawa itsura niya.
"A-ah..hehehh!!.... ako na lang, baka kasi mapagod ka pa you know naman ayaw kong napapagod ka". Sagot ko sa kanya. Sana talaga wag na siyang magpumilit na samahan ako baka kasi mapagod pa siya eh. At baka hindi ako makapagpigil madukot ko na lang bigla yung mga mata ng mga lalaking nakatitig sa kanya.
BINABASA MO ANG
<Losing You>
Teen FictionBakit?.....Bakit takot na takot akong mawalawa ka sa akin kung sa simulat't sumula pa lang naman ay hindi ka sa akin. Pero bakit?.... Bakit kung kailan ka umamin na mahal mo na din ako ay yung araw din pala ng pagkawala mo sa buhay ko.