Chapter 4: Secret -_-

7 1 0
                                    

       <Lance POV:>

Grabe ngayon ko lang napagtaasan ng boses si ganda at talikuran siya, pero kailangan kong gawin yun para hindi na siya mahirapan pa.

I sighed...Bakit ba kasi ang ganda ni Alex eh! yan tuloy nagustuhan siya ni Mike (lider ng fraternity) ngayon tuloy hindi ko alam kung paano ko iiwasan siya para hindi siya galawin ni Mike.

        

        Flashback!!!

"Lance pwede ba tayong mag-usap?". Nabigla ako ng tawagin ako ni Mike.

"Ah! o sige". Sagot ko sa kanya. Dinala niya ako sa corridor at -......

"Layuan mo si Alex at sumali ka sa frat". Diretsong sabi niya ng huminto kami sa paglalakad.

Nagulat ako ng biglang sinabi sa akin yan ni Mike. "P-pero pre kaibigan ko si Alex at mag--..." Hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil nagsalita na siya agad.

"Alam ko kaibigan mo si Alex kaya nga sinasabi ko sayo toh! at naiirita ako pagnakikita ko kayong magkasama".  Diretsong sabi niya.

"Ganito na lang." Sabay hagis ng sigarilyo niya sa gilid "let's make a deal. Pagsumali ka sa samahan namin at nakapasa ka sa inisiyeysyon kakalimutan ko yung nararamdaman ko para kay Alex at lalayuan ko siya, pero pag hindi *-insert smirk-* akin na si Alex at hindi mo na siya lalapitan pa kahit kailan. At Wag na wag mong sasabihin to kay Alex kung hindi patay ka sakin, tandaan mo hindi lang ako nag-iisa madami kami". Seryoso niyang sabi.

"Sige pre pag- isipan mo yung sinabi ko sayo". Sabay tapik niya sa balikat ko bago siya umalis niya. 

         End of Flashback!!

Walang lumabas na kahit anong salita galing sa bibig ko nun pakiramdam ko natuyo bigla yung laway ko dahil sa mga sinabi niya. Hindi ko kayang mawala si Alex sa akin mahal na mahal ko siya simula pa lang ng mga bata kami. Kami na yung magkasama lagi, kami na lagi yung magpartner pag may mga special ocassion sa pamilya ng bawat isa hanggang sa mag high school kami magkasama pa din kami.

Hanggang marealize ko na hindi na lang pala pagkakaibigan ang nararamdaman ko para sa kanya hanggang minahal ko na siya ng higit pa sa buhay ko.

Mahal na mahal ko siya, she is the reason why I continue my life. Si Alex ang pinaka magandang nangyari sa buhay ko kahit na kaibigan lang ang turing niya sa akin ayos lang basta wag lang siyang mawala sa tabi ko or more worst sa buhay ko.

"Hindi ko kaya!, hindi ko kaya!, hindi ko kaya!......" 

Paulit ulit kong sinasabi yan sa sarili, ng hindi ko na namamalayan na basang basa na pala yung damit na hawak ko na dapat ipangpapalit ko sa t-shirt na suot ko. Napaluha pala ako ng hindi ko namamalayan.

Hay! hindi ko alam kung paano ako iiwas kay ganda kung siya ang buhay at mundo ko. Kung ang dahilan ng pananatili ko sa mundo ay siya. At wala ng iba......

I sighed a deep one.............

A/N: sensya na po sa matagal na pag update.....heehhhhh.... wala kasing insperation e.... hirap tuloy gumawa.....

Wait niyo na lang po yung next chap. Thank you po sa mga silent readers ko.

#NEEDINSPERATION

&lt;Losing You&gt;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon