<Alex POV:>
"Tok..tok...tok.... ganda!.... tokk.... tokk....".
Napabalikwas ako ng bangon ng may narinig akong kumakatok sa pinto ko. Sigh...12:00 A.M. pa lang ng madaling araw tapos may kumakatok na malamang si panget yan.. wala nanaman siguro magawa kaya nangbubulahaw.
"Hay... kaasar naman, ano nanaman kayang kailangan ng panget na to ng ganito kaaga". Walang gana kong sabi habang kinukusot kusot yung mga mata ko.
"Teka lang". Sigaw ko.
"Bakit ba may sunog ba?.... At kung makakatok at makasigaw ka jan wagas". Sabi ko sa kanya ng mabuksan ko na yung pinto ng kwarto ko at naka pikit pa din yung mga mata ko.
"Ano bang problema mo at ang aga-aga mong mangbulahaw ha-......". Hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi nagsalita na siya agad.
"Happy B-day ganda". ^_^ Sabi niya ng ngiting ngiti na unti nalang e aabot na hanggang langit.
O___O =_= Nagulat ako nung pagbukas ko ng pinto at nakita ko si panget na may hawak hawak na chocolate cake w/ matching ice cream and big wide smile.
Hay! ang sarap mabuhay pag ganyang ngiti sasalubong sayo kada pagdilat mo ng mga mata mo sa araw-araw.
-_- "Hindi mo ba nagustuhan?". Tanong niya sa malungkot na tono ng boses w/ matching pout.
Nabalik ako sa realidad ng marinig ko siyang magsalita.
"H-hindi a-ano". Grabe nauutal ako nasa inshock state pa din kasi ako.
O////O Wait tama ba tong nakikita ko nakapapuppy eyes siya at parang teary eyes din na nakapout pa siya. Ang cute niya talaga like puppy at napatingin ako sa pouty lips niya myghod magkakasala ako nito ng maaga aga (lunok laway) parang gusto ko siyang halikan.
Hay panget bakit kasi ang manhid mo eh!. Nagkakasala tuloy ako ng wala sa oras nito.
"Sige ok lang kung hindi mo nagustuhan yung surprise ko sayo kahit na nahirapan ako bumili nito mag-isa ok lang... sige matulog ka na ule.. pasensya na nga pala sa abala hah". Sabi niya sabay talikod sa akin.
Hehehhh! nakakatuwa naman magdrama tong si panget kala mo bata lang... Hehehh.. pero ang cute!!!.... .
"P-pero wai.... wait lang bat aalis kana hindi ba natin kakainin yang cake". Tanong ko sa kanya at hinawakan ko siya sa braso at iniharap sa akin nung nahabol ko na siya.
Lance POV:
Ang totoo niyan nahirapan naman talaga ko bumili.. Kasi nga medyo malayo yung bayan sa apartment namin tapos hindi niya manlang nagustuhan yung pinaghirapan ko. Tapos ganyan pa yung expresyon ng mukha niya mukhang nahipan ng hangin na nakatulala habang nakasandal sa pinto. Nakakainis talaga sayang yung effort ko. Nakakainis lang na nakakaiyak... Sayang talaga.. Sayang lang talaga yung effort ko.
"Wait lang umiiyak ka ba panget hah!?". Tanong niya sa akin ng maabutan niya ako at iniharap sa kanya.
"H-Hindi sob...sob... noh!... matutulog sob.. na ko sob.. sige na... matulog ka na lang din ule...". Sabi ko. Grabe napaiyak ako ni ganda para sa simpleng bagay lang gaya nito. Ano bayan para akong bading. Nakakahiya naman oh.
BINABASA MO ANG
<Losing You>
Teen FictionBakit?.....Bakit takot na takot akong mawalawa ka sa akin kung sa simulat't sumula pa lang naman ay hindi ka sa akin. Pero bakit?.... Bakit kung kailan ka umamin na mahal mo na din ako ay yung araw din pala ng pagkawala mo sa buhay ko.