katchawan blues

2.3K 24 7
                                    

Chapter 26----------Kantchawan blues…..

“Sars, maiwan ko muna kayo ni Ge, labas lang ako puntahan ko sina ate Juday at kuya Ryan sa

may pool.”ang pamaalam nito sa dalawa.

                Nang maka alis si Ms. Nhila, Tumayo na rin si Gerald sa pagkakaupo nito.

                “Babe saan ka pupunta?”ang tanong ni Sarah.

Hindi siya sinagot ni Gerald at tuloy tuloy itong umalis. Tinanaw ni Sarah kung saan ito pupunta. Nakita nya na lumabas ito at diretso sa may tabing dagat.Binilisan nya ang pag liligpit ng kanilang pinag kainan upang masundan si Gerald.Matapos niyang mailigpit ito ay dumiretso ito kung saan nagpunta si Gerald.

                Malayo ang tingin ni Gerald. “Ano ka ba naman Gerald, yun lang hindi lang isuot ni Sarah ang nabili mong two piece magagalit ka na agad sa kanya? Ke bago bago nyo pa lang na mag karelasyon may mga ganyang tampuhan na kaagad kayo?”ang nasa sa isip ni Gerald.

                Hindi nya namalayan na nakalapit na sa kanya si Sarah at niyakap siya nito ng buong higpit at hinalikan siya sa may batok kung kayat nagulat ito ngunit hindi siya nagpahalata sa dalaga. Kinilig siya sa ginawa nito. Hindi niya akalaing gagawin niya ito para sa kanya.

                “Babe please huwag ka nang magalit.”ang malambing nitong sabi kay Gerald na naka subsob pa rin ang mukha sa likod ni Gerald.

Hinawakan ni Gerald ang mga braso ni Sarah na nakayakap sa kanya.

“Babe hindi ka na galit sakin?”ang maamong tanong nito.

“Babe hindi ako galit sayo. Naiinis lang ako kase wala kang confidence.”

“Babe akala mo ba gusto ko yung wala akong self confidence? Ayaw ko rin noon, kya lang hindi ko talaga maalis sa sarili ko.”

Ang ganda nilang tingnan ng mga oras na iyon. Si Gerald nakatayo at nasa likuran niya si Sarah na nakayakap sa kanya at hawak hawak ni Gerald ang mga braso ni Sarah na nakayakap naman sa mga braso nito.

Hindi nila alam na sila pala ay tinitinganan ng mag asawang Juday at Ryan at pati ni rin si Ms. Nhila.

“Hon I’m happy for our baby girl.”sabi ni Juday.

“Di ba sabi ko naman sayo, right guy will be coming for her. She deserve to be happy and treated like a princess.She is genuine.”

“Yah one of a kind, di ba ate Nhils?”sabay tinginkay Ms. Nhila.

“Oo nga po. She’s a good influence sa alaga ko.I’m very happy for Ge, hindi siya nagkamali ng pagpili kay Sarah.”

“Ms. Nhils sana huwag saktan ni Gerald si Sarah, kase hindi siya deserve na umiyak.She is very loving, palage nyang sinasabi na kung ayaw na sa kanya, sabihin lang huwag lang yung lolokohin pa siya.”ang madamdaming pahayag nito.

“Don’t worry ate juday, hindi ko hahayaang masaktan si Sarah, and besides nakikita ko naman sa alaga ko na mahal na mahal nya si Sarah.Off the record ito ha? Hindi siya ganyan kay Kim. Mas higit pa ang ginagawa nya ngayon just to prove na talagang mahal na mahal nya si Sarah.

“Ang sweet nila ano? Sana makayanan nila ang mga intriga pag balik ng Maynila.”sabi ni Ryan.

“Speaking of intriga, alam na kaya ni tita Divine na sinagot na ni baby girl si Gerald?”ang biglang naalalang tanong ni Juday.

“Ay oo nga. Patay tayo jan, Siguro naman mauunawaan ni tita divine ang nangyaring ito sa dalawa.”ang sabi naman ni Ms. Nhila.

“May tiwala ako kay, Ge, for sure alam na ni Ge ang dapat nyang gawin. Nakikita ko kase sa kanya yung diskarte ko sa panliligaw eh.”ang natatawang sabi nito sa dalawa.

Won't Last the Day Without YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon