One on One

1.7K 35 6
                                    

Chapter 55----------- one on one

Niyaya ni daddy delfin si Gerald sa loob ng library ng kanilang bahay.

“Maupo ka Gerald.”ang utos ni daddy delfin.

“Thank you po.”ang sagot nito sa daddy ni Sarah. Nang mga oras na iyon sobra ang kabang kanyang nararamdaman,ang pakiramdam pa nga niya kung tutuusin ay isang salarin na bibitayin ano mang oras ngunit pinilit niyang kalmahin ang kanyang  sarili at huwag ipahalata sa kaharap ang kanyang nararamdaman.

“sa totoo lang Gerald pina bibilib mo akong talaga.”ang panimula nito.”Ganoon pa man gusto kong malaman na marami pa kaming pangarap para sa aming anak.Sana nauunawaan mo kami bilang mga magulang ni Sarah. Kung talagang mahal mo an gaming anak, hahayaan mo siyang tuparin ang kanyang mga pangarap at hindi ikaw ang magiging dahilan upang hindi matupad ito.”

“Tito Delfin mahal na mahal ko po si Sarah. Hindi ko po hahayang masira at hindi matupad ang kanyang mga pangarap sa katunayan po nandito po ako para sumuporta sa kanya.”

“Mabuti naman kung ganoon.Gerald. Bialng isang ama, bakit gusto mong alukin ng engagement ang anak ko?”

“Tito Delfin katulad po ng sinabi ko mahal na mahal kop o si Sarah, sa kanya kop o nakikita ang sarili ko na kasama ko hanggang sa aming pag tanda. Hindi po ako nagmamadali o hindi kop o siya minamadali na mag asawa, ang sa akin po para po magkaroon po kami ng kasiguraduhan sa isa’t isa na kami na po talaga.”ang matapat nitong sagot.

“It means na gusto mong rendahan ang anak ko?’

Nagkibit balikat si Gerald bago nagsalita.”KAtulad po ng paulit ulit kong sinasabi, mahal na mahal kop o si Sarah ayaw ko pong may iba pang lumalapit sa kanya para po ligawan siya, gusto kop o sana ako lang pero masisigurado ko po sa inyo na hindi po ako magiging hadlang sa ano mang gagawin po niyang trabaho.”

Sa paanong paraan ka hindi magiging hadlang?”

“Artista din po ako, alam ko po kapag trabaho lang po ang pinag uusapan. Iginagalang ko po yun at hindi po ako kokontra sa kung ano po ang hinihingi ng trabaho para sa kanya.”

Gaano katagal ka namang maghihintay kung sakali?”

“TUlad po ng napag usapan naming ni Sarah, Two, three five years, handa po akong maghintay.”

“Sigarado ka ba sa lahat ng sinasabi mo? BAka mapasubo ko lang, or baka hindi mo kayanin? Hindi kahinaan ng isang lalaki ang sumuko kung hindi kaya.”

“Para po sa akin ang taong nagmamahal ay hindi maiinip sa pagdating ng tamang panahon para sa itinakda para sa kanila. MAtaman ko pong hihintaying dumating ang araw na iyon na handa na po si Sarah at ganoon din po kayong mga mahal niya sa buhay.”

“Gerald mahal na mahal naming lahat si Sarah alam naming ibang uri ng pag mamahal naman

ang iniuukol mo para sa kanya at aaminin ko sayo alam naming at nakikita naming lahat ang kakaibang pagngin sayo ni Sarah, alm naming lahat na importante ka sa kanya na khit pagsamasamahin naming lahat an gaming ipinakikitang pagmamahal sa kanya ay hindi kayang tumbasan ang pagmamahal na ipinakikita mo sa kanya. Pag pasenyahan mo na ang tita Divine mo, sana maunawaan mo siya, mahirap para sa aming mga magulang ang hinihingi mo pero ako bilang ama niya at gusto kong maging maligaya si Sarah at nakikita naman naming yun sa katauhan mo sana lang malampasan nyo ang lahat ng pag subok na darating sa inyong relasyon. Hinid naming kakayaning makitang lumuluha si Sarah.“

“MAkakaasa po kayong hinding hindi ko po siya sasaktan. Alam ko rin pong lahat ng sinasabi ko  

po ay isang salita lamang pero masisigurado ko po sa inyo na muli at muli po ay tutuparin ko ang lahat ng aking pangako hanggat mahal po ako ni Sarah.”

Won't Last the Day Without YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon